^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mental health ng mga pulis, suriin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mental health ng mga pulis, suriin

HINDI pa nakapagpapahinga ang Philippine National Police (PNP) sa mga sunud-sunod na insi­dente ng pamamaril na ginagawa ng mga miyem­bro, meron na namang bagong pangyayari na naghahatid ng pangamba sa mga sibilyan. Ang bagong insidente ng pamamaril ay nangyari sa Manila Police District (MPD) headquarters sa UN Avenue noong Biyernes nang mag-amok si M/Sgt. Reynante Dipasupil.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, lasing­ na dumating sa HQ si Dipasupil at namaril nang walang habas sa mga departmento na kanyang dina­anan kung saan isang pulis ang napatay. Napa­tay si Dipasupil ng mga rumespondeng SWAT.

Sabi ni Eleazar, ang ginawa ni Dipasupil at pati na rin ang mga nangyari sa nakaraan kung saan pawang namaril ang mga pulis ay nararapat nang magkaroon nang pagsusuri sa mental health ng mga miyembro. Kailangan ang psychiatric at psychological examinations sa police officers tuwing ikatlong taon lalo pa ang mga dumaan sa ground operations. Ayon pa sa PNP chief, isinasapinal na ang guidelines sa psychological test para sa police officers.

Kailangan talaga ang psychiatric at psycholo­gical examinations sa mga pulis at kung maaari, gawin ito taun-taon. Kung tatlong taon ang psychological tests gaya ng panukala ni Eleazar, masyadong matagal. Dapat taun-taon ang tests para namo-monitor ang pag-iisip ng mga pulis.

Noong nakaraang buwan, isang lasing na pulis ang bumaril at nakapatay sa kanyang kapitbahay na babae. Ang pulis ay si Master Sgt. Hensie Zinampan ng Police Security and Protection Group. Ang binaril niya ay si Lilybeth Valdez, 52, ng Sitio Ruby, Bgy. Greater Fairview, Quezon City.

Noong Disyembre 20, 2020, binaril din ng pulis na si MSgt. Jonel Nuezca ang mag-inang Sonia at Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Nag-ugat ang pamamaril dahil sa pagpapaputok ng boga ng biktima.

Kamakailan lang, binaril at napatay nina Cpl. Sherwin Rebot at Cpl. Harold Mendoza ang kasamahang si Cpl. Higinio Wayan, pawang naka-assign sa Police Security and Protection Group. Ang pagpatay ay nag-ugat nang talunin ni Wayan sa bunong braso si Rebot.

Nararapat malaman ang estado ng pag-iisip ng mga pulis. Nasa panganib ang mamamayan kapag hindi na-monitor ang kanilang kalagayan.

vuukle comment

MENTAL HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with