^

PSN Opinyon

Hustisya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SALAMAT at may nangyari na sa kasong ito. Hinatulan ng Sandiganbayan Sixth Division ang dalawang dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI) at isang retiradong pulis para sa pangingikil kay Jack Lam, ang nagpapatakbo ng Fontana Leisure Parks and Casino sa Pampanga. Hinatulan ng relusion perpetua o 40 taong kulong sina dating BI commissioner Al Argosino at Michael Robles at si Wally Sombero, dating pulis. Si Sombero ang nama­gitan umano sa panig ni Lam at ang dalawang opisyal.

Limampung milyong piso ang halaga kaya pasok sa krimen ng pandarambong. Ang halaga ay bayad para sa kalayaan umano ng 1,316 na nahuling mga nagtatra­baho sa casino ng ilegal. Nakita ang mga tinutukoy sa CCTV kung saan nagkaliwaan ng pera. Dalawang milyon ang naging komisyon ni Sombero sa transaksyon na naganap noong 2016. Halos kasisimula pa lang ng termino ni Pre­sident Duterte.

Depensa noon ng dalawang opisyal, tinago lang daw nila ang pera para magamit na ebidensiya laban­ kay Lam. Pero mukhang hindi ito pinaniwalaan ng Sandi­gan­bayan dahil sa ebidensiyang laban sa kanila kaya makukulong na. Pareho silang kilalang fraternity brothers­ ni President­ Duterte sa San Beda Law Lex Talionis fraternity. Ang kontrobersiya ang sinasabing dahilan kung bakit bumi­tiw si dating DOJ Sec. Vitaliano Aguirre sa tungkulin. Nabigyan din naman siya ng ibang posisyon.

Hindi ito ang unang kontrobersiya ni Argosino. Nasangkot siya sa pagpatay kay Raul Camaligan noong 1991 dahil sa hazing sa Lex Talionis. Nahatulan si Argo­sino at iba pang kasama pero tila magaan lang ang pa­rusa. Nangako pa si Argosino sa Korte Suprema na magtatayo siya ng scholarship foundation sa pangalan ni Raul Camaligan kung papayagan siyang manumpa bilang abogado matapos ipasa ang Bar exams. Pero walang nangyari sa pangakong iyon hanggang ngayon.

Walang rekord ang San Beda Alumni College alumni ng sinasabing foundation sa pangalan ni Camaligan noong taong 2016 nang maging kontrobersyal na naman si Argosino. Mukhang naisahan ni Argosino ang mataas na hukuman para maging abogado. Kabalintunaan, hindi ba? Siguro para sa pamilya ni Raul Camaligan, itong kinasangkutan ni Argosino at ang kanyang pagkakulong ay maaaring hustisya na matagal na nilang hinihintay. Sana nga.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with