^

PSN Opinyon

Akala ko ba?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AKALA ko ba gagamitin na ang body cameras sa mga operasyon sa ilegal na droga, ayon sa utos ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar? Gumamit ba ng body cams ang 10 pulis na nagsilbi ng search warrant kay Antonio Castillo Dalit sa Laguna noong Miyerkules? Kung hindi, ano na naman ang dahilan? Sira? Walang baterya? Hindi sila nabigyan?

Ngayon, nanlaban na naman ang dahilan kung bakit pinatay nila si Dalit at ang 16-anyos na si Johndy Maglinte. Pero ayon sa mga kamag-anak ng mga biktima, unang pinatay si Dalit at dahil nasaksihan ni Maglinte, pinatay na rin siya kahit nakaposas at nakadapa sa putik.   

Naka-restrictive custody na ang 10 pulis habang may imbestigasyon nang inutos si Eleazar. Hayaan na lang daw munang tumakbo ang imbestigasyon bago husgahan­. Pero hindi maiiwasang ikumpara ito sa kaso ni Kian Delos Santos na nagmakaawa pero pinatay pa rin para lang bumango ang pangalan ng mga pulis sa kampanya ni President Duterte kontra droga na wala rin namang pagbabago. Kaya ba walang mga body cams ay talagang may papatayin na?

Ito ang unang pagsubok ng PNP sa ilalim ni Eleazar. Baka naman magreretiro na si Eleazar wala pa rin mang­yayari sa kanilang kaso at maghihintay na lang ng PNP chief na malambot ang puso sa kapwa pulis, masama man o mabuti. Sana nagbigay kaagad ng pahayag si Eleazar kung bakit walang body cams.

Mukhang hindi pa tanggap ng mga pulis na magsusuot na sila ng camera. Napakalayo sa ibang bansa kung saan hindi puwedeng walang body cams ang pulis dahil gagamitin ang video sa mga kaso. Kaya kahit mga pagka­kamali ng pulis ay nakukunan. Maraming video sa YouTube ng mga kuha ng body cams ng pulis sa Amerika kung saan may tamang ginawa, meron ding mali.

 Hinihintay pa ang unang video mula sa body cams ng PNP. Itong operasyon sa Laguna sana ang naaangkop sa paggamit ng body cams, pero wala. Dapat lang imbestigahan ang operasyon, pati na rin kung bakit walang ginamit na body cams kahit may utos na si Eleazar.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with