^

PSN Opinyon

BITAG, nabayaran daw kaya nanahimik!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakaabot sa aking tanggapan na usap-usapan daw ngayon sa Rizal, Nueva Ecija na nabayaran ang BITAG.

Kaya raw tumigil at tumahimik na ako at ang aking programa sa pagpapalabas ng mga reklamo laban sa municipal accountant ng probinsiya na si Hilbert Villanueva.

Marami ang nagmensahe sa aming Facebook page na eto nga raw ang kumakalat na balita sa kanilang lugar kaya minabuting pinaabot na nila ito sa BITAG.

Kung matatandaan n’yo, si Villanueva ‘yung inireklamo ng barangay accountants sa Rizal, Nueva Ecija dahil sa kabastusan, kayabangan, panduduro at pamamahiya.

Dahil lamang mali ang spelling ng salitang “withdrawal,” nilait at pinahiya niya sa harap ng pagpupulong ang barangay accountant.

Habang ang isa pang biktima, kinutya at hinamon naman niya ng suntukan dahil lang sa pagkakamali sa report nito.

Ito rin ‘yung municipal accountant na inireklamo ng dalawang barangay captain kung saan kailangang may “hatag” daw si Villanueva sa bawat proyekto ng barangay.

May bagman pa raw ito umano na kumukuha ng pera mula sa budget ng proyektong inaprubahan.

Villanueva, nabayaran ba kamo? Sorry to disappoint you, subalit hindi nababayaran ang BITAG!

Hindi kami nananahimik, kasalukuyan naming ina­­asistehan ang mga nagrereklamo na magsampa ng pormal na kaso laban sa’yo sa Civil Service Commission (CSC).

At dahil pumutok ang isyung ito, sosorpresahin na rin kita. Tutal pinagtaguan mo ang BITAG nang makailang beses.

Ginawa mo pang tanga ang iyong mayor nang sabihin­ mong sasagot ka sa aming tawag. Kaya pupuntahan na lang kita para personal tayong makapag-usap.

Naging busy lang ako nitong mga nakaraang linggo dahil sa sunud-sunod na field investigation ng BITAG Investigative­ Team sa iba’t ibang probinsiya.

But don’t ‘ya worry, you’re next.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with