^

PSN Opinyon

Unang nagparehistro ng lupa, pinapaboran

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KASO ito ng 217 square meters na lote na pag-aari nina Danny at ng kanyang ina na si Helen. Noong Pebrero 21, 1997, unang ipinagbili ni Helen ang hindi pa nahahating parte niya sa lote kay Marco, isa pa niyang anak sa ikalawang asawa. Nakabili ng lupa si Marco sa bahagi ng lote ngunit hindi niya narehistro ang pagbibili dahil ayaw daw ibigay ni Danny sa kanya ang orihinal na titulo nito.

Ayon naman sa sinumpaang salaysay ni Helen, na-bigyan niya ng abiso ang lahat na interesadong tao na may karapatang tubusin ang nasabing lote mula kay Marco, lalo na kay Danny, ang kamay-ari niya sa lote.

Makalipas ang tatlong taon, ipinagbili muli ni Helen kay Danny ang nasabing parte ng lote sa pamamagitan ng isang quitclaim deed sa halagang P9,875. Nairehistro ito ni Danny sa Register of Deeds at nailipat ang titulo sa kanyang pangalan. Nagsimula na siya sa aktuwal at pisikal na pamumusesyon dito at pagbabayad ng buwis.

Nang malaman ni Marco ang ikalawang pagbibili, hinarap agad nito ang ina na nauwi ang usapan sa bara-ngay. Sa barangay ipinakita ni Marco ang mga patunay ng pagbibili sa kanya ng ina tulad ng deed of sale, sinum-paang salaysay ni Helen at ang abiso ng kanyang ina sa mga interesadong tao. Sinabi rin ni Marco ang pagkakait nina Danny at ng kanyang ina sa kopya ng titulo kaya hindi niya ito nairehistro.

Samantala, depensa ni Danny ang kawalan niya ng kaalaman sa naunang pagbibili kay Marco. Iginiit niyang nalaman lamang niya ang ikalawang pagbibili nang magreklamo si Marco kaya nagsampa siya ng kasong ejectment. Gayunpaman, si Marco ang pinaboran ng korte.

Dahil sa nangyari, naghain si Danny sa Regional Trial Court (RTC) ng quieting of title ng nasabing lote laban kay Marco. Ayon kay Danny, hindi niya alam ang naunang bilihan sa pagitan nina Marco at ng kanyang ina. At dahil maagang na­matay si Helen, hindi na ito nakapagbigay ng testimonya tungkol sa nasabing bilihan.

Samantala, hindi naman binigyang halaga ng RTC ang naka-tape-recorded na paglilitis sa barangay dahil ito ay hearsay. Hindi rin naisaalang-alang ang pagdismis sa kasong ejectment dahil ang isyu nito ay pamu­musesyon. Kaya pinaboran ng RTC sina Danny at asawa nito batay sa mga dokumentong ebidensya na nagpatunay na sila ang may-ari ng lote. Sinang-ayunan naman ito ng CA. Tama ba ang desisyon ng CA?

TAMA. Sa pagitan ng dalawang nakabili ng iisang lote, mas pinapaboran ang karapatan ng naunang nagparehistro nito. Sa pagitan nina Danny at Marco, kikilalanin ang naunang pagpaparehistro ni Danny kahit na ikalawa lamang siyang nakabili at si Marco ang kasalukuyang namumusesyon sa lote. Bibigyan ng merito ang kawalan ng kaalaman ni Danny sa naunang pagbibili kay Marco.

Samantala, walang halaga ang naisagawang sinumpaang salaysay ni Helen na nagsasabing si Marco ang nauna niyang pinagbilhan dahil hindi naisumite o nailakip sa salaysay ang pagpapatunay na nabigyan nga si Danny ng kopya ng abiso. Ang salaysay na ibinigay sa labas ng hukuman ay mababang uri kaysa sa testimonyang naipa­hayag sa loob ng hukuman (Blanco vs. Rivera G.. 145878, April 25, 2006).

vuukle comment

LUPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with