^

PSN Opinyon

Confusing the enemy

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa librong isinulat ng Tsinong batikang tagapag-plano ng digmaan, isang pundasyong aral ang panlilito sa kalaban para manalo sa labanan. Si Sun Tzu ay isang heneral sa panahon ng Han Dysnasty sa China, 400 taon bago isilang si Kristo.

Aniya, kung mahina ang hukbo, magkunwaring malakas at kung malakas ang hukbo magkunwaring mahina. Ang mga prinsipyo ni Sun Tzu ay nagagamit hindi lang sa digmaan kundi maging sa politika lalo na sa panahong may magaganap na halalan.

Naririnig na natin ngayon ang mga magkakasalungat na balita hinggil sa kung ano ang mga taktikang gagamitin ng administrasyon o kung sino ang isasabak sa pagka-Presidente at Bise Presidente para magwagi sa halalan sa darating na taon.

Naunang pumutok ang balita na isasabak si President Duterte bilang Bise Presidente bagay na pinabulaanan ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara na nagsabing “Malabo itong mangyari.” Ngunit sa isang banda, may mga statement ang Palasyo na nagsasabing wala pang pinal na desisyon ang Presidente at pinag-iisipan pa ito.

May balita rin na ang Presidente  ay tatakbo bilang bise ng kanyang anak na si Sara at dito’y sinabi naman ng huli na ayaw ng kanyang ama na siya ay tumakbong Presidente dahil siya ay isang babae. Kung sinu-sino ring persona­lidad ang itinatambal kay Duterte kung ito’y tatakbo bilang Bise.

Hindi na dapat maligalig ang isip ng oposisyon sa mga espekulasyong naririnig. Ang importante ay magplanong mabuti at hangga’t maaga ay pumili na ng isang karapat-dapat na ipambato sa darating na Presidential elections.

May katanungan din: totoo bang malakas ang admnistrasyon o ito’y pinalalabas lang na ubod ng lakas alinsunod sa prinsipyo ng manunulat na si Sun Tzu?

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with