^

PSN Opinyon

The world will know her name

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa ito dama ng karaniwang Pilipino na subsob ang katotohanan sa mga hamon ng pandemya. Subalit sa kabuuang mundo, sa larangan ng palakasan, itong weekend ay itinaas ang bandila ng Pilipinas sa isa sa pinakatanyag na kompetisyon sa kasaysayan. Sa larong golf, na­ipanalo ng ating pambatong tinedyer na si Yuka Saso ang US Women’s Open.

Ang US Women’s Open ang pinakasikat, pinaka­­ma­tanda at pinakamalaki ang premyong tournament sa mundo. Kinikilala ito sa planeta na tugatog ng indibiduwal na galing­. Una’y tanging mga championship course ang gamit dito – ‘yung talagang hahamon sa husay at pulso ng isang manlalaro. Pangalawa, lahat ng kinikilalang kam­peon ng golf ang iyong makakatunggali dito. Ang mananalo rito ang siyang ituturing na pinakamagaling sa taon, sa buong mundo. Ang premyo ay $1 million o P48,000,000.

Marami nang Asyano ang nanalo ng US Women’s Open. Kung dati ay homecourt ito ng mga Amerikana, sa milenyong ito ay nangunguna ang mga Koreana na parang malakas na alon na humampas sa world golf. Dahil sa kalidad ng golf sa Korea at sa disiplina ng kanilang kultura, hindi nakakagulat na sila’y manguna. Marami ring Japanese golfers ang nasa pinakamataas na baitang. Sa Asya, sa Japan may pinakamatagal na tradisyon ang golf. Sila rin ang mga naunang magkapangalan sa international arena.

Walang kahalintulad na rekord ang Pilipinas. Dahil sa kakulangan ng suporta ng pamahalaan at sa kalibre ng kumpetisyon ay sorpresa na lang kung may sumulpot na contender. Kung kaya itong ginawa ni Yuka Saso, laking San Ildefonso, Bulacan, ay sadyang isang hulog ng langit na premyo sa panahong kinakailangan ang inspirasyon.

Hahanga ka sa kung paano naipanalo ni Yuka ang kampeonato. Subalit, mas higit kang bibilib kapag napanood n’yo kung gaano kakumbaba ang bata. Ubod ng respeto, pasasalamat sa pamilya at determinasyon na lalong pag-ibayuhin ang galing para maiangat ang bandila. Ang makuha ang US Womens Open sa kanyang murang edad ay nagbabadya ng mas higit pang mga tagumpay sa darating na panahon para kay Yuka at para sa lahat.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with