^

PSN Opinyon

Huwag maging kampante

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA kabila nang pagsusumikap ni Pres. Rodrigo Duterte na mabakunahan ang lahat ng mga Pinoy para malabanan ang COVID-19, marami pa rin ang matitigas ang ulo kaya taas at baba ang bilang ng mga tinatamaan ng virus. Baon na sa utang ang ating bansa sa pagbili ng mga bakuna at sadsad na rin ang ekonomiya matapos magsarahan ang mga kompanya dahil sa pandemya. Kaya ang solusyon ay kooperasyon ng sambayanan upang makontrol ang paglaganap ng virus.

Sa ngayon unti-unti nang pinapayagan ang ilang establisimiento sa National Capital Region (NCR) upang makapagtrabaho at kumita ang mga kababayang nawalan ng trabaho. Sinamantala naman ng ilang happy go lucky ang pagkakataong pagluwag sa NCR plus kaya sandamakmak ang nahuhuli sa paglabag sa health protocols.

Katulad sa Maynila kung saan may isang bar sa Malate ang pinaghuhuli ang mga nag-iinuman dahil lumabag sa curfew at social distancing. Todo palusot pa ang mga ma­nager at maging ang mga customer ng bar nang ka­usapin ni Manila Police District Director B/Gen. Leo Francisco kaya sa kalaboso sila humantong.

Ayon kay Francisco halos puno na ang mga kulungan ng mga presinto sa walang humpay na operasyon ng kanyang mga tauhan kaya nananawagan siya na sumunod ang lahat sa health protocols upang hindi makulong at makaiwas din sa COVID-19.

Pinagtutuunan din ni Francisco ang kampanya sa ilegal na droga. Noong nakaraang linggo naging viral ang pana­nakit ng lady driver sa traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau matapos hulihin sa paglabag sa batas trapiko. Naging ugat ito upang matuklasan na drug courier pala ang babae. Kaya sa pamamagitan ng mga mensahe na nabasa ni Manila City Hall Ditachment chief Maj. Rizalino Ibay natumbok ang tatlo pa nitong kasapakat. Swak sila sa kulungan.

Kaya huwag munang maging kampante sa pagluluwag sa NCR plus na pinaiiral sa ngayon dahil hindi natutulog ang kapulisan para lambatin kayo. Ito lamang ang pamamaraan ng pamahalaan at kapulisan upang mabawasan ang paghahawahan ng COVID-19.

Siyanga pala, magpabakuna na rin tayong lahat.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with