^

PSN Opinyon

Bayanihan 1 ‘the best’ sa buong mundo – IBP

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Apat na bansa sa buong daigdig ang kinilala na may best program laban sa COVID-19 pandemic at kabilang dito ang Pilipinas at ang Bayanihan 1 to Heal as One nito. Bukod sa ating bansa, kasama sa tumanggap ng parangal ang Australia, Norway at Peru.

Ang pagkilala ay mula sa International Budget Partner­ship (IBP), isang independent watchdog organization na nagtataguyod sa transparent, inclusive, at accountable budget process ng mga pamahalaan sa buong mundo.

Naisabatas ang Bayanihan 1 nang si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano pa ang Speaker ng Kamara de Repre­sen­tante. Pinagpuyatan ito ng mga kongresista sa kauna-unahang hybrid session sa kasagsagan ng pandemya no­ong nakaraang taon. May mga kongresista ang nasa ple­nary hall noon at ang iba sa mga ito ay dumalo via Zoom.

Kasunod ng Bayanihan 1, isinabatas din noong naka­raang taon sa Kamara ang Bayanihan 2. Follow-up stimulus package ito sa Bayanihan 1. ‘Di ko lang maintindihan kung bakit tila makupad ngayon ang liderato ng Kamara sa pagsasabatas ng Bayanihan 3. Porke ba’t hindi na-certify na urgent bill ang panukala ay ‘di na dapat aksyu­nan nang mabilis gayong malaki pa ang problemang kina­kaharap ng ating bansa dahil sa COVID-19?

Ang Bayanihan 1 ang unang batas na pinagtibay laban­ sa epekto ng COVID-19 sa kalusugan, kabuhayan, at kapa­kanan ng mga Pilipino. Umaabot sa P275 bilyon ang kabuuang pondo ng Bayanihan 1 na inilaan para sa pagbibigay ng Social Amelioration Program (SAP) sa milyun-mil­yong Pilipino. Ito rin ay pinambili ng PPE ng frontliners, testing kits, medical supplies at pagtatayo ng quarantine facilities at isolation centers para sa COVID-19 patients.

Ito ay nagbigay ng kapangyarihan kay President Duterte na harapin ang pandemya sa pamamagitan ng re-allignment, reallocation  at reprogramming ng kaban ng bayan laban sa COVID-19.

Ang nakalulungkot,  tig-P1,000 lang na ayuda para sa bawat Pilipino ang nakapaloob sa Bayanihan 3. Ano ba ang magagawa ng P1,000 sa totoo lang? Sana naman, naiisip ng ating mga mambabatas na hindi na lang ito pantawid kundi pang-ahon na.  Sa mga pinagpipitaganang mambabatas, unahin ang pantulong na kinakailangan

ngayon ng taumbayan, maging responsive naman sa tawag ng panahon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with