^

PSN Opinyon

Waste segregation ‘di pa natin nakasanayan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL nang batas ang paghihiwalay ng mga basu­rang ‘di nabubulok sa nabubulok. Pero hindi pa rin yata natin nakakasanayang mga Pilipino. Sa mga fast food chain, may nakalaan nang mga magkahiwalay na sisidlan ng basura pero marami pa rin sa mga kumakain ang hindi sumusunod kahit saang sisidlan ay itinatapon nila ang pinagkainan.

Batid naman natin na ang konseptong ito ay may kinalaman sa recycling. ‘Yung mga hindi nabubulok tulad ng plastic utensils ay inihihiwalay dahil puwede pang ma-recycle sa halip na itapon na lamang kahit saan na dahilan ng pagkabarado ng mga daluyan ng tubig at mga malalagim na pagbaha.

Yaon namang nabubulok tulad ng mga tira-tirang pag­kain ay maaaring gawing compost o fertilizer sa mga halaman. Pero marami pa rin ang hindi nakaaalam nito at wala pa ring pakundangan sa pagtatapon ng mga basura.

Kinakatigan natin ang panawagan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga taga-QC na sanayin na ang mga sarili sa wastong waste segregation. Tingin ko, hindi lang ito para sa mga taga-QC kundi para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino na may malasakit sa kapaligiran.

Kung bawat Pinoy ay tatalima rito maisasalba ang ating environment sa pagkasalanta at pagkalat ng mga sakit. Sana, ang pandemyang ito ay nagdulot ng ma­la­king aral sa atin upang magkaroon tayo ng sense of discipline.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with