^

PSN Opinyon

Warning sa mga pulis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAY ilang tao na nag-iiba ang takbo ng utak kapag naka­inom ng alak.

Gaya ng isang pulis na binaril ang 52-anyos na babae sa Greater Fairview, Quezon City noong Lunes ng gabi. Ang babae ang pinagbalingan ng lasing na si MSgt. Hensie­ Zinampan nang hindi nito makita ang nakaalitang anak ng biktima. Dinaklot ni Zinampan ang buhok ng biktimang si Lilybeth Valdez at binaril sa leeg. Patay ang babae.

Nang mahuli ang killer na si Zinampan, abot-langit ang kanyang pagsisisi sa ginawang krimen. Nasayang ang kanyang 14 na taong serbisyo sa Philippine National Police (PNP). Wala siyang matatanggap ni kusing at apektado ang kanyang pamilya. Kaya sa mga suki kong pulis, mag-ingat sa mga gagawin kapag nakalaklak ng alak dahil tiyak na malulusaw ang inyong mga pangarap sa buhay.

Samantala, walang humpay ang kampanya ni Cor­dillera Region chief B/Gen. Ronald Lee para mapuksa ang marijuana plantation sa nasasakupang rehiyon.  Kahit nalalagay sa peligro ang buhay ni Lee at mga tauhan, inaakyat nila ang mga kabundukan para sirain ang mga marijuana at nang wala nang maisuplay sa Metro Manila. Libong puno ng marijuana ang binunot at sinunog nina Lee.

Saksi ako sa kasipagan ni Lee nang siya pa ang hepe ng Anti-Illegal Drug Task Force-National Capital Region noong 2016. Kilo-kilong shabu ang kanilang nahuhuli sa isinasagawang buy-bust Operation kaya hindi kata-taka na mangingibabaw ang kasipagan niya nga­yong siya na ang hepe sa Cordillera. Wala siyang sinasanto sa operas­yon­ kontra droga. Timing ang pagkatalaga kay Lee sa Cor­dillera sa panahon ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar para maisakatuparan ang programa ni President Duterte laban sa illegal drugs.

Kung si Lee ay walang kapaguran sa pag-akyat sa mga bundok para marating ang marijuana plantation, si Eleazar naman ay walang sinasayang na oras sa paglilibot sa mga police stations upang matiyak na nagtatrabaho ang kanyang mga tauhan at walang ginagawang kabalbalan.

Kaya sa mga pulis na patuloy pa rin sa paggawa ng kademonyuhan, tumigil na kayo! Kakalusin kayo ni Eleazar.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with