^

PSN Opinyon

‘Fund raising, via jueteng’

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Nakababahala ang umuugong na balita mula sa Camp Crame na magiging talamak pa ang jueteng sa mga susunod na linggo sa buong bansa dahil sa fund raising para sa mataas na police official na tatakbong senador sa 2022.

Hindi umano sasantuhin ng fund raising ang mga charity fund raising naman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaya ng nationwide Lotto at Small Town Lottery (STL) sa kabila ng hikahos na revenue generation nito dahil sa kakumpetensiyang online sabong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Magsisimula umano sa lalong madaling panahon ang “fund raising via jueteng” sa NCR na kukumpasan ng isang beteranong pulis bagman.

Totoo kayang sa NCRPO sa Camp Bagong Diwa ang sentro ng pagpapaikot ng operasyong ito?

Ngunit sa husay at sipag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, tiyak na dudurugin niya itong “fund raising via jueteng”.

Siguradong naamoy na niya ito at sa lalong madaling panahon ay isisiwalat sapagkat ang gawaing ito ay hindi pinahihintulutan sa PNP.

Ano sa tingin n’yo?

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

2022

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with