^

PSN Opinyon

Kung kaya nila ay kaya natin

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Habang ang kalakhang mundo ay nababalot sa lagim, ayaw magpapigil ang Pinoy sa angking husay sa anumang larangan ang pasukin. Tuloy pa rin tayong mabubuhay – ito ang mensahe ng mga sektor na nais ipabatid sa madla na hindi dapat tayo matakot. Basta nag-iingat ay makakabalik din tayo sa normalidad.

Sa entertainment, bumabandera ang mga Pinoy talents. Kung ang BTS ang hands down No. 1 sa musika pagdating sa mga boy band, sa indibiduwal na talento ay may dalawang Pilipina na tinitingala saan man makarating. Isa si Olivia Rodrigo na may katha ng kantang “Driver’s License” na record breaker sa benta sa buong mundo. Si H.E.R. (Gabriella Sarmiento Wilson) na, sa katatapos na Oscar Academy Awards sa U.S. ay nanalo ng best song para sa kanyang “Fight for You”.

Sa palakasan, kampeon muli ng mundo sa bantamweight category si Nonito Donaire. Sa edad 38, oldest ever, napabagsak niya ang paboritong undefeated champion na si Nordine Oubaali upang maangkin para sa Pilipinas ang WBC belt. Sa Japan Golf Tour naman, ang batikang si Juvic Pagunsan ang nag-uwi ng karangalan nang manalo sa Mizuno Open. Siyempre, sa Pilipinas na pugad ng Basketball fans, bukambibig ang pagsungkit ni Jordan Clarkson ng Utah Jazz ng 6th man award sa NBA.

Sa industriya, serbisyo publiko, sa voluntary sectors, ang galing ng Pilipino ay hindi maitatwa. Ang nagawa ng ating mga kababayan ay bagay na ipagmamalaki ng lahat. Hindi rin madaling nakamtan ang kanilang mga panalo. Lahat nito ay bunga ng taimtim na paghahanda at kakaibang dedikasyon.

Sa hirap na dinaranas sa panahon ng pandemya, malaki ang naitutulong ng kanilang tagumpay upang tayo’y patuloy na magpursigi. Ang kanilang halimbawa ay magpapatotoo sa abiso na walang hindi kakayanin. Sa mga napapagod na at akmang susuko sa bigat ng kinakaharap, sana’y maging inspirasyon ang nilakbay ng mga kababayang ito. Bukas o makalawa ay maaalpasan din natin ang mabigat na hamon ng pandemya. Mahalaga na hindi tayo mawalan ng pag-asa.

vuukle comment

BTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with