^

PSN Opinyon

Reklamo ng mga biktima ng food poisoning

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Patuloy na tumututok ang BITAG sa reklamo ng mga biktima ng food poisoning umano sa Shawarma Shack SM City, Marilao, Bulacan. Tungkulin ito ng BITAG bilang kami ang nilapitan ng mga nagrereklamo.

Hindi rin dapat kalimutan, pangatlo na ito ng Shawarma Shack na inireklamo sa BITAG.

Strike 1. Taon 2018, mga empleyado ng kanilang main factory sa Quezon city ang ibinunyag ang kadugyutan ng kanila umanong pagawaan.

Kasama ang abogado ng mismong may-ari ng Shawarma Shack nagpaliwanag sila noon sa BITAG. Tunog sinabotahe raw ang negosyo.

February 2019, mga franchise naman ang nagsumbong sa BITAG. Ang supply daw kasi sa kanilang mga karne, sauce at tinapay ay sira, panis o may kasamang foreign objects.

Ilang beses na raw nila itong inilapit sa pamunuan ng Shawarma Shack subalit hindi sila inaasikaso o pinapa-kinggan noon.

Ngayong May 2021, mga kostumer na mismo ang lumapit sa amin. Na-food poisoned umano sila ayon sa kanilang doctor at sa resulta ng kanilang mga medical laboratory tests.

Pare-parehong sintomas ang kanilang mga naramdaman, sumakit ang ulo at tiyan, nagsuka at nagtae. Nagkasabay-sabay pa umano ang iba sa kanila sa mga ospital na pinagpa-check-up-an.

Hindi pa man pormal na hinahawakan ng BITAG ang sumbong na ito ay walang tigil ang pagkontak sa amin ng may-ari ng Shawarma Shack. Nagpahiwatig pa itong maglalagay ng advertisement sa BITAG.

Thanks, but no thanks! Unahin n’yong ayusin ang mga biktima ng problemang ito.

Nakausap ko naman sa programang Pambansang Sumbungan ang legal counsel ng Shawarma Shack. Depensa niya, franchisee raw ang may kasalanan at hindi ang buong kompanya.

Sila raw ay biktima rin sa pangyayaring ito. Kesyo napag-alaman daw nilang hindi sa kanila kumukuha ng supply ang franchisee ng Shawarma Shack sa SM Marilao.

Kuwidaw, “full responsibility” ang pananagutan ng Shawarma Shack sa nagawang kapalpakan ng kanilang franchisee. Tungkulin ng main office na i-monitor ang transaction ng kanilang franchisee lalo na sa pagkuha ng mga supply.

Ayon sa isang abogado, parehong puwedeng masampahan ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury ang franchisee at ang mismong pamunuan ng Shawarma Shack.

Habang sinusulat ang kolum na ito, isa-isa na raw pinupuntahan ng pamunuan ng Shawarma Shack ang mga biktima. Ang iba ayaw magpaareglo, ang iba ay ayaw ng humantong sa kaso.

Maging ang tanggapan ni Marilao Bulacan Mayor Ricardo Silvestre, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa pangyayari. Maaari nilang silipin ang factory ng Shawarma Shack sa Quezon City dahil sa pangyayaring ito.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with