^

PSN Opinyon

Wala nang padrino sa police applicants

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

IPINATUTUPAD na ng Philippine National Police (PNP) ang nameless at faceless recruitment process upang tuluyan nang mabuwag ang tinaguriang influence-peddling sa organisasyon. Ang layuning ito ay upang mapigilan ang pagpasok ng mga bugok na pulis na inindorso ng kanilang padrino. Sa taas ng suweldo ngayon ng mga pulis, dapat lamang na tumbasan nila ng tamang paglilingkod sa sambayanan.

Mismong si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang na­nguna sa launching ng Comprehensive Online Recruitment Encrypting System (CORES) noong nakaraang Huwebes sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City. Sinaksihan ito ng PNP senior police officials at mga miyembro ng academe.

Sa ilalim ng recruitment scheme, may QR Code System nang gagamitin upang matiyak na nakatago ang identity ng aplikante. Tanging ang kuwalipikasyon ng aplikante ang pag-aaralan upang matukoy kung siya ba ay kuwa­lipikado.

“Gusto ko na pong tuldukan ang bulok na sistema ng iilang aplikante na kumakapit sa matataas na opisyal ng PNP para lamang makapasok sa organisasyon. Sa gani­tong sistema, may korapsyon na kaagad eh. Iyan ang hindi ko hahayaang makapasok sa ating hanay,” sabi ni Eleazar.

May katuwiran si Eleazar dahil naging kalakaran na noon pa na ang pinaglilingkuran lamang ng mga bugok na pulis ay ang kanilang mga padrino. “We will only accept those police applicants who are most qualified and most deserving. Only the best for the PNP. Walang mukha o pangalang lalabas habang ongoing ang application process at tanging ang credentials niya lamang ang pagba­basehan kung siya ba ay tanggap sa PNP,” sabi pa ni Eleazar.

Inihalimbawa ni Eleazar si Patrolwoman Razy Joy Alejandrino na matagumpay na nakalahok sa police force kahit na walang padrino. Kailangan pa umano nitong magtrabaho bilang tagahugas ng pinggan at janitress upang makaipon ng pera para magkaroon ng pamasahe at panggastos sa kanyang pag-aaplay. 

“Isang halimbawa si Patrolwoman Alejandrino na kahit wala kang backer, maaari kang makapasok sa PNP basta’t ikaw ay masipag, matiyaga, at qualified sa aming hanay,” ani Eleazar. 

Ang QR Code System ay gagamitin sa buong application process ng aplikante, kabilang na ang body mass index at agility test, drug at neuropsychiatric test, physical, medical at maging dental examinations. 

Kamakailan, inaprubahan ng National Police Commission ang recruitment ng kabuuang 17,314 bagong police officers ngayong taon upang mapalitan ang mga personnel ng organisasyon na nawala, madagdagan ang puwersa nito, at mapaghusay ang visibility gayundin ang police-to-population ratio, para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with