^

PSN Opinyon

Tobacco farmers, magdiriwang na ba?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Matatapos na kaya ang pangungulimbat sa tobacco excise taxes?

Nilagdaan ng Department of Budget and Management­ at Department of Agriculture ang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2020-1 noong Hunyo 25, 2020 na nag­talaga ng panuntunan sa alokasyon, pamamahagi at pag­gamit ng local government units (LGU) sa kanilang share sa 2020 tobacco excise taxes.

Mula sa P18 bilyon 2017 tobacco excise taxes, P14.4 bil­yon ang napunta sa Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Misamis Oriental na nagtatanim ng Virginia tobacco. Habang P3.61 bilyon naman sa 14 na lalawigan na ang produkto’y barley at native na tabako na kinabibilangan ng Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan­, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Kalinga, Tarlac, Occi­dental Mindoro, Misamis Oriental, Maguindanao at North Cotabato.

Sa 2022, mahigit P21 bilyon ang paghahati-hatian ng mga probinsya at bayan sa tax revenues ng 2020.

Nakasaad sa JMC, magkakaroon ang LGUs ng 5 percent, ngunit hindi hihigit sa P4 bilyon na revenue mula sa tabako. Nasa 15 percent naman sa kinita sa excise taxes ng sigarilyong Virginia, ngunit hindi hihigit sa P17 bilyon ang mapupunta sa LGU.

Mahigpit ang tagubilin ng JMC sa LGUs. Mga programang magtataguyod lamang ng economically viable alter­natives para sa tobacco farmers at mga proyektong magsusulong sa kakayahan ng mga ito ang pupuntahan ng pondo.

Trainings at tulong pinansyal sa pamamagitan ng kooperatiba, pangkabuhayan, imprastraktura at iba pang proyektong agri-industrial ang paglalaanan ng LGUs.

Maglalaan din ang LGUs ng 25 percent mula sa kanilang shares upang palawigin ang kooperatiba, proyektong pangkabuhayan at suportang pinansyal sa tobacco farmer.

Kinakailangang mag-ulat ang LGUs kung paano ginastos ang pondo at ireport tuwing ikatlong buwan ang katayuan ng mga proyekto sa DBM, DA at Bureau of Local Government Finance.

Dadaan sa pag-aaral ng National Tobacco Administration (NTA) ang mga programa at proyekto bago maaprubahan at kung naayon sa tuntunin ng JMC.

Dito na ba nagwawakas ang pagnanakaw sa pondo?  Ito na ba ang simula ng magandang kinabukasan ng tobacco farmers?

Sana.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

TAXES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with