^

PSN Opinyon

Trash to cash

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Basura gagawing pera? Bakit hindi? Ito ang simpleng programang may dual purpose. Makalilikha ng hanapbuhay­ at mabawasan ang problema sa pollution dulot ng mga itinatapong plastic products.

Sa nakalipas na panahon lubhang natambakan ng mga nakalalasong plastic ang mga ilog at karagatan. Libu-libong mga nilikha sa karagatan tulad ng mga balyena ang nama­matay dahil napuno ng mga plastic bottles at utensils ang sikmura.

Ang Quezon City ay isa sa mga lungsod sa Pilipinas na nauna nang nagpatupad ng pagbabawal sa plastic lalo na sa mga fast food restaurants sa naturang lungsod. Pero hindi lamang sa Pilipinas umiiral ang ganyang problema kundi pati sa ibang bansa.

Kung ang lahat ay magpapatupad ng kahalintulad na programa, tiyak kong malulutas ang problemang ito sa polus­yon ng mga daluyan ng tubig at karagatan. Mas mainam ma­rahil kung tuluyan nang ipagbawal ang plastic products.

Puwedeng makapagdulot ito ng economic dislocation sa mga umaasa sa industriya ng plastic pero mas malaki ang buting maidudulot nito sa pagpapanatiling malinis ng ating paligid sa pangmatagalan.

Pero isipin muna natin ang mga practical kahit pa pan­samantalang solusyon na madaling maipatupad. Sa Quezon City, pinag-ibayo ang programang “Trash to Cashback” upang maengganyo ang mga residente na  ihiwalay ang mga non-biodegradable na basura sa nabubulok. Ang mga non-biodegradable materials ay puwedeng ipagpalit ng pagkain gaya ng bigas, itlog o gulay at iba pang essential grocery items.

Ani Mayor Joy Belmonte, matagumpay itong naipatutupad ng lungsod sa tulong ng Basic Environmental Systems Technologies (BEST) para makaabot sa kasuluk-sulukang barangay. Maganda nga namang insentibo ito na makatutulong sa environmental protection.

vuukle comment

BEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with