^

PSN Opinyon

Mga matitigas ang ulo di-uubra kay Eleazar

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang linggo, hindi na nasunod ang social distancing sa mga vaccination sites ng local government units (LGUs) dahil sa pagdagsa ng mga gustong magpabakuna. Marami sa mga ito ay hindi nakalista sa prayo­ridad na mabakunahan. Marami ang dumagsa dahil type nila ang brand ng bakuna. Mabuti at maagap ang mga tauhan ng LGUs at mga pulis kaya madaling napakiusapan ang mga nakapila na sumunod sa health protocols.

Talagang marami ang mga matitigas ang ulo at pa­saway na kababayan. Natatandaan ba ninyo ang pagdagsa ng daang-daan katao para maligo sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan City? Sa kasalukuyan uma­abot na sa 51 ang nagpositibo sa COVID-19 sa mga nagtampisaw sa pool ng resort at maaaring madagdagan pa. Malinaw na may katigasan talaga ng ulo ang ating mga kababayan. Ipinasara na ang resort.

Kaya sa ngayon nagkukumahog na ang karamihan na mabakunahan upang makaiwas sa nakamamatay na virus. Ito naman ngayon ang sinasamantala ng mga tusong negosyante para magkamal ng pera sa maling pamamaraan. Balitang-balita ngayon ang online selling ng slots ng bakuna laban sa COVID­-19 na nangyari umano sa Mandaluyong at San Juan.

Agad namang kumilos si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar upang hulihin ang mga nasa likod ng online selling ng slots para sa bakuna. Itinalaga ni Eleazar si Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro, director ng CIDG para hanapin ang may pakana ng scam at nang mapatawan ng pinaka­malupit na kaparusahan. Hindi palalampasin ni Eleazar ang mga tuso at pasaway sa bansa. Abangan!

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with