^

PSN Opinyon

Bike lanes gawing nationwide

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Lubhang popular na ngayon ang paggamit ng mga motor siklo at bisekleta lalo na nang magkaroon ng kakapusan ng transportasyon dahil sa COVID pandemic. May mga ibang bayan at lungsod na nagtalaga na ng bike lanes ngunit hindi lahat ay mayroon na nito.

Kung sanang gagawing nationwide ang mga bike lanes, magiging ligtas ang pagbiyahe ng mga bikers lalu na kung ang destinasyon nila ay sa iba-ibang bayan at lungsod.

Sa Quezon City, pinasinayaan kamakalawa ang mga bago at pinagandang espasyo sa  mga lansangan na nakalaan lang para sa bikers. Dumalo sa inagurasyon sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto at Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos.

Dumalo rin sa inagurasyon sina Transport Assistant Secretary Mark Steven Pastor at Quezon City District 2 councilor Mikey Belmonte na siyang umakda sa Safe Cycling and Active Transport Ordinance ng QC, kasama pa ang ibang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Kung walang sistema, mapanganib isabay sa regular na trapiko ang mga bisekleta at motorsiklo. Pero dahil sa panga­ngailangang maragdagan ang means of transportation, napakapraktikal na programa na maglaan ng mga bike lanes. Bukod sa hindi nakarurumi sa hangin ang mga bisekleta, mainam pa ito sa kalusugan.

Dapat lang ay magkaroon din ng disiplina ang mga riders at huwag sasaklaw sa linyang dinaraanan ng mga kotse  at trak para maiwasan ang mga malalagim na aksidente.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with