^

PSN Opinyon

‘Isolated incident’ malimit na palusot sa kamalian

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Milyong netizens ang nakapanood ng kakila-kilabot na video. Dinadakip ng di-unipormadong pulis ang lalaking ilegal na nagpaputok nu’ng magba-Bagong Taon 2020. Pumapalag ang suspek; pati nanay niya umaawat; bini-video sila ng isang kaanak. Sumali ang dalagitang anak ng pulis, at sumigaw na igalang ang ama niya bilang ala­gad ng batas. Tinuya siya ng ina ng suspek. Bumunot ang pulis ng pistol, nagbanta, at binaril sa ulo ang mag-ina. Sabi agad ng matataas na pinuno, huwag mag-alala dahil “isolated incident” lang umano ‘yon.

Sa isang grocery store nahuling nangupit ang isa sa 15 kahera. Nag-alala ang may-ari na baka mali ang sistema at kulang ang checks and balances nila. Sabi ng sales tracking supervisor, huwag mag-alala: “isolated case” lang ‘yung isang beses na nanalbahe ang kahera.

May kasabihan sa Ingles, “One bad apple can spoil the barrel.” Sa isang bugok na mansanas masisira ang laman­ ng buong bariles. Kaya’t dapat pilian at alisin agad ang pag­mumulan ng problema.

Tinutukoy ng idiom ang masamang ugali o kamalian ng isang tao na kung pinabayaan, ay pamamarisan ng iba. Dapat iwasto agad.

Sa kaso ng pulis, nakita na sinuway ang PNP Operations Manual. Hindi binasahan ng Miranda Rights ang sus­pek; hindi tumawag ng backup. Meron pala silang dating alitan na magkapitbahay. Kinasuhan siya ng murder sa paggamit ng “superior force” -- baril -- sa ‘di-armadong mag-ina; nag-plead siyang not guilty. Dati nang may kasong homicide ang pulis, pero pinanatili sa armadong serbisyo. Hindi pala isolated case.

Sa kaso ng kahera, masipag daw siya, sampung oras kada araw magtrabaho, at limang buwan na hindi nagde-day off. ‘Yun pala kinukutingting na ang cash register para makakupit nang malaki. Kung agad napansin ang kaka­ibang gawi niya, naiwasan sana ang nakaw.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

DWIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with