^

PSN Opinyon

2 HVT, tigok sa PDEG sa Nueva Ecija!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Seryoso ang liderato ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na puksain ang droga sa bansa alinsunod sa kautusan ni President Digong. Katunayan dalawa na namang high value target (HVT) na sina Dennis Gaspar Kue at Percival Miranda ang natigok matapos manlaban sa mga tauhan ni Brig. Gen. Remus Medina, director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Nueva Ecija, Sabado ng hapon.

Kaya kung may duda pa kayo mga kosa na ibaba ng PNP ang kanilang kampanya laban sa droga sa liderato ni Eleazar, aba nagkamali kayo. Kasi sa ngayon, puspusan ang lakad ng mga tauhan ni Medina na ipatupad ang Coplan Chain Knuckle kung saan hinog na para i-“harvest” ang mga nakalista rito na mga HVT. Dipugaaaaaa!

Ikinasa ng mga tauhan ni Medina, kasama ang mga operatiba ng Nueva Ecija police sa pamumuno ni Col. Jaime Santos, PDEA at local police ang drug sting sa bahay ni Ceni Pangilinan sa Purok 1, Bgy. Sto. Cristo Sur, Gapan City. Matapos iabot ang 50 gramo kapalit ang P100,000 “boodle” money, naramdaman nina Kue at Miranda na pulis ang kausap nila kaya bumunot sila ng baril at nakipagpalitan ng putok. Siyempre, ginantihan sila ng nakapaligid na mga pulis at hayun dedo sila.

Nakumpiska sa kanila ang Nissan Cefiro, dalawang kilo ng shabu na nagkakahalagang P14 milyon, kailbre .45 pistol at 9mm pistol. Sinabi ni Medina na si Miranda ay nagpapakilalang sundalo subalit peke pala. Ayon kay Medina, nakatakas ang target nila na pinsan ni Kue at kasalukuyang hinahanting nila ito. Dipugaaaaaa! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi ni Medina na sina Kue at Miranda ay mga galamay ni Arthur Abdul, na napaslang ng PDEG sa isang encounter sa Pasig City noong May 9. Halos anim na HVT na ang nadebdol ng tropa ni Medina matapos maaresto si Michael Lucas sa Dasmariñas, Cavite noong Abril 26. Lahat sila ay nakalista sa Coplan Chain Knuckle ni Medina. Dipugaaaaa! Get’s n’yo mga kosa?

Kasama ang inter-agency task force, kinumpiska din ng PDEG ang tatlong parcels na naglalaman ng 9,243 pirasong Ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P15.7 milyon sa Central Post Office sa Quezon City. Ang mga parcels ay dineklara na «baby clothes, handbags at shoes» na pinadala ni Abner Buzeta ng Amsterdam kay Joy Lamatao Buzeta ng West Kamias. Inaresto sina Rowena Evangelio, 40, at Michael de Guzman, 36. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with