^

PSN Opinyon

Dinggin, hinaing ng mga magsasaka

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na guminhawa ang buhay lalong nabaon sa hirap ang limang milyong magsasaka dahil sa Rice Tariffication Law (RTL). Kulang ang pondong inilaan sa Rice Compe­titiveness Enhancement Fund (RCEF). Ngayong pan­demya, ang mahalaga sa mga Pinoy ay bigas upang matugunan ang gutom na nararanasan ng bawat pamilya at mga magsasaka.

Kaya kumilos si Sen. Manny Pacquiao para sagipin sa pagkagutom ang milyong Pilipino at sector ng mga magsasaka. Nalaman ni Pacquiao na kaya nababaon sa kahirapan ang mga magsasaka ay dahil kulang ang mga ayudang inilaan sa pamamagitan ng RCEF. Hindi sapat na mga makinarya at farm input lamang ang ilaan ng RCEF kundi mahalaga para sa mga magsasaka na maibenta sa tamang presyo ang kanilang aning palay.

Isa si Pacquiao sa co-authors ng RTL subalit halos isang taon na siyang nakakatanggap ng mga reklamo mula sa mga magsasaka dahil sa pahirap ng naturang batas. Naghain noong isa pang taon ng Senate Resolution 554 si Pacquiao upang imbestigahan ng Senate Committee on Agriculture ang implementasyon ng RTL, lalo na ang paggamit sa P10-billion RCEF. “Nakalulungkot malaman na ang mga taong nagpapakain sa atin ay mga walang makain,” ayon kay Pacquiao.

Nagsagawa ang senador ng “zoom consultation” sa farmer organizations at iba pang grupong may kinalaman sa pagsasaka upang personal na mapakinggan ang kani­lang sitwasyon sa RTL.

Kasama sa mga dumalo sa zoom consultation sina  Melencio Domingo, chairman of Basay Agroforestry Farmers Producers Cooperative (BAFC); Ana Cristina Go, dating kinatawan ng Nagkaisang Magsasaka ng Isabela Agriculture Cooperative (NMI); Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG); Danilo Bolos, Chairman ng  National Confideration of Irrigators- Nueva Ecija;  Analiza Villarba, representative ng First Nasugbu Natural Farming Association; Dondon Jonson representative ng Campo Avejar Farmers and Irrigators Association (CAFIA) at sina Erika Jane Carino, Christian Obispo at Antonio Sabangan ng Pag-Asa Youth Farmers (PAYFA) sa Zambales.

Dahil dito napagtanto ni Pacquiao na mas makakabuting amyendahan sa halip na ibasura ang RTL. Kapag inamyendahan, madadagdagan ang pondo para sa RCEF at matitiyak na may sapat na salapi ang NFA upang mabili ang palay ng mga magsasaka sa presyong hindi bababa sa P20 bawat kilo. Ang mabibili ng NFA na palay ay maaring umanong ipamahagi bilang non-monetary incentives para sa mga manggagawa ng pamahalaan kasama na ang mga nasa unipormadong serbisyo.

“We must increase the Rice Fund so that the NFA can buy high and sell low. The NFA can buy palay from our farmers for at least P20  per kilo and sell the milled product at a price that is at par with the commercial rice. The government can use the locally produced rice as non-monetary incentives to all of our government workers including those in the uniformed service and their dependents,” sabi ni Pacquiao.

Umaasa si Pacquiao na pakikinggan ng Kongreso at ni President Duterte ang hinaing ng mga magsasaka na madagdagan ang pondo na pambili sa kanilang mga ani.

vuukle comment

RTL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with