^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dinggin, hinaing ng health workers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dinggin, hinaing ng health workers

MGA “bagong bayani” ang healthcare workers na gumaganap ngayon nang mabigat na tungkulin sa gitna nang pandemya. Araw-araw nasa pa­nganib sila nang pagkahawa. Hindi maiiwasan na sa pagtupad nila sa tungkulin sa kanilang pasyente, kakapitan sila ng virus at malalagay sa panganib ang kanilang buhay. Marami na sa kanila ang pumanaw. Ayon sa Department of Health (DOH) mahigit 14,000 ang health workers na tinamaan ng CO­VID-19. Marami na ang gumaling at sa pinakahuling tala, mahit 80 sa mga ito ang namatay.

Nakapanlulumo namang malaman na may mga healthworker na nagka-COVID na nakaranas tanggihan ng sarili nilang ospital. Ayon kay Bonifacio Carmona, opisyal ng Alliance for Health Workers, may ilang pagamutan na hindi inuuna sa gamutan ang frontliner. May mga ospital na hindi pina-prio­ritize ang mga empleyado nila. Sabi pa ni Carmona, mayroon silang staff sa ospital na namatay dahil dinala sa ibang ospital. Napakasaklap naman nito.

Noong Labor Day, kinilala ni President Duterte ang sakripisyo ng mga health workers at essential frontliners. Sabi ng Presidente: “On behalf of grateful nation, I express my deepest gratitude to our hardworking health care workers and essential frontliners for their unwavering commitment in ensuring the unhampered delivery of goods and services that continue to sustain our communities and industries during these difficult times.’’

Hindi matatawaran ang pagsasakripisyo ng health care workers kaya nararapat naman silang buhusan ng benepisyo, sahod at iba pang pangangailangan. Huwag silang pagkaitan ng suweldo, hazard pay at kanilang Special Risk Allowance (SRA).

Marami sa health workers ang matagal nang nag­sisilbi sa mga government hospital pero hindi pa nakakatikim na taasan ng suweldo. Mayroong 40 taon na sa serbisyo pero ilang beses pa lang nakatikim ng umento sa suweldo. At ngayong may pandemya, ang inaasam nilang COVID-19 hazard pay at SRA ay hindi pa ibinibigay sa kanila. Ang SRA ay pinagtibay ng Malacañang noong Abril 2020.

Mga “bagong bayani” ang healthcare workers­ kaya nararapat lamang na protektahan sila at bu­husan­ ng tulong. Huwag silang kawawain.

vuukle comment

COVID-19

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with