^

PSN Opinyon

Gumawa na ng paraan

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

HUMIGIT na sa isang milyong Pilipino ang naitalang nagkasakit sa COVID-19. Sa buong mundo, ang Pilipinas ay ika-26 sa mga bansang may pinakamaraming biktima.  

Aakalain nating India ang nangunguna sa rami ng nagkasakit. Grabe rin ang bilang ng kanilang daily infections: 349,691 sa isang araw itong pinakahuling report. Subalit kung 17,636,186 ang total ng India, ang U.S. pa rin ang pinakamarami na may 32,124,599 na naitalang impeksyon.  

Hindi na tayo magkandaugaga sa balita. Mayroon na ngang bakuna subalit hanggang nailapat ito sa braso ng kahit 70% na lang ng populasyon ay hindi pa rin tayo ligtas sa salot ng pandemya at sa epekto nito sa ating ekonomiya at pamumuhay.  

 Bagama’t tayo rito ay walang kakayanan na magsagawa ng sarili nating research at produksyon ng lokal na bakuna o lunas, walang pumipigil sa atin na umpisahan ang clinical research sa iba pang mga posibleng pang­gamot na baka sakaling maging gamay sa ating mga Pinoy.  

Nauna nang aprubahan ang clinical trial ng gamot na Favipiravir (brand name Avigan) na ngayon ay nagagamit na rin sa mga ospital sa pamamagitan ng compassionate­ special permit. At, itong buwan lamang, pinayagan na ni mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang clinical­ trials din ng kontrobersyal na gamot na Ivermectin. Limang ospital na rin ang binigyan ng DOH/FDA ng compassionate special permit para rito. 

Alam nating 35 years nang ginagamit sa ibang parte ng mundo ang Ivermectin para sa iba’t ibang klaseng sakit. Ngayon ay nasusubukan na rin ito sa ibang bansa para panlaban sa COVID-19. Malaki ang demand mula sa publiko para opisyal nang payagan ang malawakang gamit ng Ivermectin. Kung kaya tama lang na payagan ang clinical trials bago tuluyan itong isama sa listahan ng mga maaring iresetang gamot.  

 Sa buong mundo, ang bilyun-bilyong pondo ng taong bayan na ginamit sa research ay napunta sa pag-develop ng bakuna. Ang mga gamot tulad ng Ivermectin at Favipiravir ay mas mura at available para mabili ng higit na nakararami para sa kanilang pagpapagaling.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with