^

PSN Opinyon

Pakikiramay sa namatayan sa panahon ng pandemya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ika-13 buwan na ng pandemic lockdown; 13 na ring ka­ibigan at kadugo ang pumanaw sa COVID-19. Bukod pa sa bilang ang namatay sa ibang sanhi, at mga di ko ga­anong kilalang kaanak ng katrabaho o kapitbahay. Tiyak ko dumanas din kayo ng ganyang dalamhati. At nahirapan kayo magpahayag ng pakikiramay sa pinaka-malalapit sa kanila.

Dahil sa higpit bumiyahe at mag-distancing, hindi tayo makadalo sa burol. Sa text lang natin nababalitaan ang malungkot na nangyari, at sa online lang tayo nakakasali sa parangal at misa. Kakaibang panahon ito. Kung kailan pa naman pinaka-dapat, hindi natin mayapos o makausap man lang sa mata ang mga naiwan. Hindi maihatid ang abo o labi ng yumao sa huling hantungan. Kanya-kanyang alaala na lang.

Madaling teleponohan ang namatayan, pero iba ang harapang pakikidalamhati. Mabilis mag-text, pero sa cloud lang ‘yon. Kung sana lang ay kasing-solido ng ins­kripsiyon sa lapida, kasing pangmatagalang nicho ang mapapahiwatig natin sa kanila. Nakakainggit ang mga manunula na nakalilikha ng tagos sa pusong mga salita – pero ‘yon ay dahil sa malalim na taghoy at malakas na dagok ng pagkawala.

Nu’ng unang panahon, walang lapida ang mga maralita. Nililibing sila nang walang kabaong sa paligid ng dambana, kahit ano’ng direksiyon lang, patung-patong sa pag­lipas ng mga taon, hanggang tumambok ang lupa. Wala ring pa­nanda ang nagpakamatay. Ang mga maykaya ay sa ku­weba, at ‘di naglaon ay sa ipinatayong mausoleyo. Nakaukit ang kanilang kadakilaan, talino, at mga nagawa.

Bawat yumao ay may iniwang nagmamahal. Ang big­­lang paglisan nila ay paalala sa atin na tayo rin ay susunod balang araw. Parang sindi lang sa kandila ang buhay; isang ihip lang biglang wala na. Kaya dapat mag-ingat­, magmahal, maghanda. Lahat nagnanais na suma­langit nawa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with