^

PSN Opinyon

Suportahan ang community pantries

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

BAKIT naman kung kailan nag-usbungan ang community pantries ay lumabas ang red tagging? Napipilitan tuloy magsara muna ang mga organizer nito dahil sa takot na mapaghinalaan na maka-kaliwa. Katulad na lamang sa sinapit ni Ana Patricia Non, na nakaranas ng trauma matapos paghinalaang propagandista ng mga maka-kaliwa. Kaya ang pobre tuloy ay napilitang magtago sa kanyang tahanan at napilitang magsara ang kariton nito na may mga goods na nakukuhanan ng mga mahihirap nating kababayan sa Maginhawa St. Quezon City.

May mga taong umaaligid sa kanyang lugar at nagtatanong-tanong tungkol sa kanyang pagkatao. Kaya sa takot ni Patricia ay isinara muna ang kanyang kariton na ikinainis ng mga residente roon dahil nga sa naputol ang panawid gutom na tulong. Ang masaklap pa nito, may mga residente na nahuli ng mga pulisan matapos malabag ang curfew dahil maaga pa sila pumila upang makakuha ng panawid gutom mula sa community pantry.

Napakalaking tulong ang ginawa ni Patricia hindi lamang sa mga residente ng Quezon City kundi maging sa pamahalaan mismo dahil ang mga nakikinabang nito ay naisasalba ang isang araw na pagkain na hindi na manggagaling sa kaban ng gobyerno. Ngunit sadya yatang may mga taong hindi kuntento sa ganitong pagtutulungan ng mga Pilipino dahil ginigiba ang ma-buting gawain.

Kung sabagay kung minsan may katwiran din na punahin ito dahil may ilang tao naman talaga na ang gusto ay magsamantala. Binibigyan na nga ng libre ang gusto ay solohin na ang laman ng lamesa.

Katulad na lamang nang paglimas ng apat na babae sa isang community pantry sa Pasig City. Nang pumutok sa social media ang kanilang paglimas, todo tanggi ang mga ito at ikinatwiran na ibinahagi rin yon sa kanilang mga kapitbahay. Kung totoo man yun, mali ang kanilang pamamaraan.

Mas mabuting suportahan natin ang mga itinatayong community pantry sa inyong mga lugar sa pamamagitan ng pagkuha lamang nang naayon sa inyong pangangailagan at magbigay ng abot naman sa inyong kakayahan.

vuukle comment

COMMUNITY PANTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with