^

PSN Opinyon

Paano naging kaibigan ang nagnanakaw sa atin?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG una, nanunungkit ng bungangkahoy natin ang kapitbahay na maton. Tapos inakyat niya ang puno. Hindi nakuntento, inangkin niya pati lote natin. Nagpeke pa ng titulo sa lupa. Binato ang isa sa atin na sumaway sa kanya. Nagtayo siya ng kubo sa lote natin at nag-imbak doon ng armas laban sa atin. At sumisigaw pa na inaapi natin siya dahil pinaaalis natin mula sa lote. Kaibigan bang maitu­turing ang maton?

Ganyan ang China, ang maton sa Asya. Nu’ng una pumupuslit siya sa West Philippine Sea para magnakaw ng isda. Tapos pinasok na niya ito nang lantaran. Kumatha ng kuwentong kesyo kanya raw ang dagat mula’t sapul. Kinongkreto ang pitong bahura natin. Nag-imbak doon ng missiles, fighters at bombers. Sinasaktan ang mga mangingisda at oil-and-gas explorers natin. Pinapatrulya ng barkong pandigma niya ang WPS. Nagpo-propaganda pa sa mundo na inaagaw natin ang pag-aari niya. Kaibigan bang maituturing ang ganyang bully at doble-kara?

Pakitang-tao lang ang pakikipagkaibigan ng China. Alam ‘yan ng 90% ng Pilipinas. Utu-uto lang o nasuhulan ang ayaw maniwala.

Hindi lang tayo ang biktima ng balatkayo ng Chinese Communist Party. Mapait ang dinanas ng Ecuador. Sa ngalan ng pagkakaibigan kuno, pinautang ng China ang tutang presidente nila ng pangtayo ng hydroelectric dam. Pero sa kundisyong Chinese state firm at empleyado nito ang gagawa. Itinayo ang dam sa gilid ng aktibong bulkang Mount Reventador. Palpak ang konstruksiyon.

Dalawang linggo bago ang inauguration, nag-test-run ng hydro plant. Yumanig ang dam, nagkaroon ng 7,000 bitak. Nawalan ng kuryente ang kalahati ng Ecuador. Walang napasinayaan si bumisitang Chinese president Xi Jinping. Tumalilis ang presidenteng kumomisyon sa proyekto. Nagbabayad ngayon ang Ecuador ng 80% ng produksiyong krudo para sa inutang sa China. Wala namang pakinabang sa hydroelectric dam.

Hindi kaibigan ang China sa ilalim ng CCP. Manloloko ito.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with