^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sindikato ng pekeng swab tests, lansagin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sindikato ng pekeng swab tests, lansagin

Daming nagkakapera ngayon dahil sa pamemeke ng pekeng swab test results. Nakasilip ng pagka­kakitaan ang sindikato kaya walang patlang ang illegal nilang gawain. Kung noon ay mga pekeng diploma, dri­ver’s license at sertipiko ang kanilang ginagawa sa Recto Avenue, ngayon ay mga pekeng swab tests results ng COVID-19. Bawat pekeng swab test result ay nagka­ka­halaga ng P1,000. Mas mahal ito kumpara sa mga pekeng diploma na P300-400 lang mabibili. Kara­mihan sa mga kumukuha ng pekeng swab tests ay mga uuwi sa probinsiya. Requirements ang swab test results para makauwi sa probinsiya. Ito ay para masiguro na walang COVID ang mga papasok sa probinsiya.

Pero sa halip na lumiit ang bilang ng COVID cases sa bansa, lalo pang lumobo. Maisisisi ang pagdami ng COVID sa paglaganap ng mga pekeng swab tests. Ma­raming umuuwi sa probinsiya ang mga positibo sa virus at sila ang nagkakalat ng sakit. Dahil sa pekeng swab tests malaya silang nakakalusot. Mula sa Maynila, da­dalhin nila ang virus sa probinsiya at magpapalipat-lipat na. Wala nang katapusang problema.

Kamakailan lang, 15 katao ang na-intercept sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pawang may mga hawak na pekeng swab tests. Patungo sa probinsiya ang mga tao nang mabuking na peke ang resulta ng swab na ipinakita. Sabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, dumami ang mga nagtutungo sa probinsiya na pawang peke ang swab results. Nagsimula ang pagdami ng mga individuals na nagtutungo sa probinsiya mula nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila. Ayon kay Usana, ang 15 nahuli ay mapaparusahan nang pagkaka­bilanggo ng anim na buwan at multa na P50,000.

Kamakailan lang, isang lalaki at babae ang nahuli ng mga pulis sa Maynila na gumagawa ng mga pekeng swab test results. Ang mga parukyano ng dalawang suspek ay mga Badjaos na uuwi ng probinsiya at kailangan ang swab tests. Bawat resulta ng swab tests ay nagkakahalaga ng P1,000. Nakuha ng mga pulis sa suspects ang may 100 papel na kinasusulatan ng pekeng swab tests.
Dakmain ng PNP ang mga sindikatong pumepeke ng swab tests upang mapigilan ang pagdami ng COVID-19. Kapag nalansag ang sindikato tiyak nang walang maka­kapasok sa probinsiya na may dalang virus. Parusahan sila nang mabigat para hindi pamarisan.

Paalalahanan din ang mga kukuha ng pekeng swab tests para lamang makauwi sa probinsiya na maha­harap sila sa mabigat na kaso. Huwag na nilang bigyan ng trabaho ang mga sindikato sa halip isuplong ang mga ito para mabulok sa bilangguan.

vuukle comment

RESULTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with