^

PSN Opinyon

Kapit lang

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Malapit na tayong tumulad sa naging mapait na karanasan ng mga bansang sinalaula ng COVID ng nakaraang taon. Ang mailipat sa kamay ng mga ospital ang desisyon ng kung sino ang dapat unahin sa limitadong mga kuwarto, kama, ventilators at gamot. Nangyari ito sa Italy at sa iba pang inabot ng tsunami ng pasyente. Abot ka man sa ospital, hindi pa rin masisiguro ang agarang atensiyon kung mayroong mas malubha ang kalagayan na kailangang unahin.

Makikita ang direksyong ito sa huling anunsyo ng Department of Health na pinag-iisipan nang ilipat muna palabas ng ospital ang mga pasyenteng mild lamang o asymptomatic papunta sa mga isolation facility. Sa survey nila, lumabas na mahigit 40% ng mga pasyenteng naka-confine sa ngayon ay hindi pa malubha ang kondisyon.

Bilang suporta sa mabigat na desisyong ito, pinapa­gaan ng ating liderato tulad ni Senadora Nancy Binay ang ating kargahin. Sinuportahan ng Senador ang panu­kala na gamitin muna ang mga bakanteng hotels bilang pansamantalang isolation facilites na paglilipatan. Ang ganitong option ay malaking ginhawa para sa ating health system at, kung susuportahan ng pribadong sektor, ma­kapagbibigay din ng negosyo kahit papaano sa hotel industry.

Mabigat na obligasyon ang magdesisyon ng kung sino ang dapat unahin. Madalas ay life and death situa­tion ang kailangang harapin ng ating mga ospital. Ang malupit na katotohanan sa nangyari sa ibang bansa ay madalas mas pinili pang unahin ang hindi malala ang kalagayan. Ang ibig sabihin ay sinusukuan nila ang mga mabigat ang sakit. Subalit noon ‘yun nang hindi pa nila natutunan kung papaano gamutin ang malubha.

Sana ay hindi na natin hayaan na umabot pa sa ganoon. Kung pamahalaan man o sarili nating hakbangin ang kailangan, dapat ay palawigin pa natin ang pagpursigi at sakripisyo upang makaahon. Kapit lang at huwag bibitiw. Gaano man kahirap ang reseta, basta naman maipakitang ginagawa ng kinauukulan ang lahat nang makakaya ay palalakasin din tayo ng paniwala na parating na rin ang ginhawa.

vuukle comment

CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with