^

PSN Opinyon

Nawawalan ng tiwala

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA patuloy na pagdami ng mga nahahawahan ng COVID-19, nawawalan naman ng tiwata ang ilan sa kaka­yahan nina Department of Health secretary Francisco Duque III at Food and Drug Administration Eric Domingo. Nakukula­ngan sila sa ipinapakitang gilas ng mga ito para mabawasan o ‘di kaya’y malunasan ang patuloy na pagkalat ng virus sa bansa lalo na sa Metro Manila. Kaya tuloy ang panawagan nila kay President Rodrigo Duterte na sibakin na ang mga ito at palitan nang may kakayahan sa medisina at pamamalakad ng mga ahensiya.

Itong si Duque ay puro pa-pogi points lamang tuwing may darating na bakuna mula sa Sinovac at AstraZeneca, at lalo na tuwing may papasinayaan na mga bagong isolation facilities na ipinatatayo ang Department of Public Works and Highways o kaya’y ang mga pasilidad ng local govern­ment units (LGUs). Maraming nagtatanong kung bakit hindi siya ang ginawang vaccine czar sa halip na si Sec. Carlito Galvez.

Ang basehan kasi nila ay ang pagiging dalubhasa ni Duque sa larangan ng kalusugan at medisina ‘di tulad ni Galvez na magaling at expert sa pagpapatupad ng batas at pagmamando sa mga kasundaluhan. Ang lamang ni Galvez kay Duque ay wala itong bahid ng korapsyon kaya buhos ang pagtitiwala ni Digong.

Ang masaklap nito, ang tinitingnan ng mga kababayan nating naiinip sa pagdating ng mga bakuna ay ang pakikipagtransaksyon sa mga malalaking pharmaceutical sa ibang bansa. Kung nabigyan man tayo noon ng AstraZe­neca ay marami namang kundisyon ang World Health Organization (WHO) bago ito nakarating sa bansa.

Subalit ang biniling mga bakuna sa iba pang pharma­ceutical ay hinihintay pa ang awa sa kabila ng mga napagkasunduan na ang World Bank at Asian Development Bank ang derektang magbabayad sa mga ito. Subalit hanggang ngayon, wala pa ring dumarating.

Kaya may panawagan na si President Duterte sa mga mayayamang negosyante na maari na silang bumili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado upang mabawasan na ang hawahan sa bansa.

Samantala kay Domingo naman ay kontra o pabor siya sa mga gamot na patagong ginagamit ng mga doctor sa Metro Manila. Noon una inayawan ito ni Domingo dahil ang mga gamot umano ay para sa mga hayop subalit hindi naman niya napigilan ang paggamit ng ilang doctor sa pagturok, kaya tumaas ang presyo na nagkakahalaga ng mula sa P18,000 hanggang P38,000 bawat ineksiyon. Kung talagang bawal ito bakit tameme si Domingo na kasuhan ang mga doctor na gumagamit sa kanilang paggagamot sa may mga COVID? Dapat ipaliwanag ito ni Domingo sa taumbayan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with