^

PSN Opinyon

Pharmaceutical industry nagkakamal sa pandemic

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

May kasabihang sa Ingles na “necessity is the mother of invention”. Idaragdag ko riyan ang oportunidad para mapalago ang negosyo.  Sa harap ng pandemic sa COVID-19, kailangan ng mga tao sa mundo ang epektibong pananggalang laban sa naturang sakit. Dahil diyan, ang industriya ng pharmaceutical ang namamayagpag, lalo na sa mga maunlad at Kanluraning bansa.

Ang mga bakunang natutuklasan at ginagawa nila ay magdudulot ng dambuhalang daluyong ng salapi dahil bawat isa sa walong bilyong mamamayan ng daigdig ay kailangang mabakunahan. Ayos lang iyan pero...

...Dapat, kaalinsabay ng kanilang malaking pakinabang, ipakita rin nila ang pagmamalasakit sa kapaka­nan ng daigdig na siyang natatanging merkado ng ka­ni­lang kalakal na gamot. Ang populasyon ng daigdig ang dahilan kung bakit sila kumikita. Kung walang merkado, wala ring negosyo.

Hindi naman kailangang mamigay sila ng libreng ba­kuna sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Pero puwedeng magpakita sila ng malasakit sa pamamagitan ng paglilipat ng kanilang nalalaman sa paggawa ng bakuna sa ibang mga bansa.

Sa ganyang paraan, magkakaroon ng kapasidad ang bawat bansa na gumawa ng kailangang bakuna at hindi na kailangang maghintay sa pagdating ng mga imported vaccine. Mayroon silang mga subsidiary sa bawat bansa, bakit hindi nila tulungang makapag-manufacture ng bakuna ang mga ito?

Sa ngayon, ang mga kompanya ay masikap sa pagtatago ng kanilang trade secret. Pero sana, maisip nila na iba ang sitwasyon ngayon. Kapag naglubha ang pan­demia, ang pinaka-merkadong inaasahan ng mga pharmaceuticals ay maglalaho at sila rin ang mawawalan.

Sana, sana lang, ipakita ng mga higanteng kom­panyang ito na hindi lang kikitahing salapi ang mahalaga kundi higit sa lahat, ang pagsagip sa daigdig sa umiiral na salot.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with