^

PSN Opinyon

Turismo kapag bumangon, buong ekonomiya sasabay

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAG-TRENDING sa social media ang isang “Tourism Guide”. Anang naglikom, pasyalan o tikman daw ang mga shops at produkto sa Pilipinas na nakakatawa. Ilan lang dito ay ang panaderya na Bread Pitt, magkatabing restoran na Cooking ng Ina Mo at Cooking ng Ina Mo Rin, tindahan ng balut na Starducks, dry cleaner na Summa Cum Laundry, pet shop na Fish Be With You, kambingan na SaGoat Kita, talyer na Bangga Ka Day, meryendahan sa Pampanga na Mekeni Rogers, tindahan ng marmol na Lito Lapida, at punerarya na Libing Things.

Ipinapakita ng mga ‘yan ang pagka-masayahin ng Pilipino – katangian na kinatutuwa ng mga turista. Sob­rang masayahin nga ng mga nasa negosyong turismo kaya, tumawad man o hindi ang namimiling bisita, dina­ragdagan na agad ng tindera ang binili.

Kakambal ng pagiging masayahin ng Pilipino ang pagiging pala-kaibigan, pala-kanta, at bukal na pakikitungo. Natatanging karanasan ng mga dayuhan na, sa pagki­lala pa lang sa isang Pilipino, itatrato na siyang matalik na kaibigan. Iimbitahang magmeryenda sa miski maliit na bahay, at aalukin pang mag-videoke magdamag.

Isa pang ikinatutuwa ng turista ay madali ang sasak­yan – tricycle na maingay, mausok, matagtag, pero madadala ka sa destinasyon. Isa pang marami sa Pili­pinas ay ang jaguar, o security guard na naka-asul na naka­tanod sa entrada, sa swimming pool, at sa bawat palapag ng gusali. At siyempre nariyan ang mga tanawing bundok (rice terraces) at dagat. At sari-saring putahe at prutas sa bawat rehiyon o panahon.

Paglaho ng pandemya babangon na muli ang turismo. Iikutin muli ng mga makakating paa, Pilipino at dayuhan, ang kapuluan. Mabubuhay ang resorts, hotels, airlines, restoran, souvenirs, kakanin, sariwang fruit juices, lechon, sisig, laundry, uniporme, tricycles, vulcanizing – lahat na!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ECONOMY

TOURISM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with