^

PSN Opinyon

Gen. Francisco, inaruga ang mga pulis na may COVID!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

GALIT sa tiwaling pulis si Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco subalit may puso’t-damdamin naman siya pagdating sa mga tauhan na nagtatrabaho. Habang tinutugis ni Francisco ang mga tinatawag na POGO cops, sobrang abala rin siya sa pag-aruga sa kanyang mga tauhan na nagpositibo sa COVID-19.

Umaabot na sa 706 ang confirmed COVID cases sa MPD at hindi naman nagpabaya si Francisco para tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tauhan n’ya.

Kung sabagay, hindi lang naman sa MPD tumaas ang bilang ng kaso ng COVID kundi maging sa iba pang police headquarters at ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Administration (DCA) ng Philippine National Police, umabot na sa 13,666 pulis ang nadapuan ng virus mula nung isang taon. May 36 pulis na ang natigok sa COVID.

Kaya inutusan ni Eleazar ang lahat ng police commanders at unit heads na magsagawa ng surprise inspections sa kani-kanilang opisina para matiyak na sumusunod ang lahat ng pulis sa minimum health safety protocols. Kaya’t si Francisco ay kaagad tumalima sa kautusan ni Eleazar para masawata ang pagkalat ng virus sa mga opisina ng pulisya sa Maynila. Dipugaaaaa!

May 4,300 na pulis sa MPD at 706 sa kanila ang dinapuan ng COVID at 129 nito ang aktibo. Samantalang 575 ang nakarekuber na habang dalawa naman ang namatay. Tsk tsk tsk! Sana mapatigil na ni MPD chief ang pagkalat ng virus.

Kahit tumataas ang bilang ng mga pulis na nahawaan ng virus, nag-deploy pa din si Francisco ng 204 na pulis para gabayan ang 173 barangay officials na bantayan ang 16 barangay sa Maynila na inilagay sa lockdown ni Mayor Francisco Domagoso bunga sa dumaming kaso ng COVID. Sa ulat ni Francisco sa petsang Marso 26, wala namang nahuling violators ng lockdown ang mga pulis. He he he! Kapag nakataya na pala ang buhay nitong mga matitigas na ulo na mga Pinoy eh marunong din silang sumunod sa alituntunin ng gobyerno tulad ng health protocols. Mismoooooo! Dipugaaaaa!

Pinasalamatan ni Francisco si Domagoso dahil binuksan nito ang quarantine facilities ng City Hall sa T.M. Kalaw, sa Del Pan at sa Tondo para sa mga nagpositibong pulis sa virus. Hindi na namroblema ang PNP headquarters sa MPD bunga sa magandang coordination nina Domagoso at Francisco, Abangan!

vuukle comment

COVID-19

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with