^

PSN Opinyon

Maraming pasaway sa Maynila

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PARANG mga basang sisiw ang mga pasahero sa North Harbor Manila matapos na hindi makasakay sa mga barkong maghahatid sa kani-kanilang probinsiya. Kasi nga bawal silang manatili sa loob ng pantalan at ang masaklap pa nito obligado silang magpa-swab test bago sila makasakay ng barko. Kaya ang mga pobre nating mga kababayan ay nagkasya na lamang sa gilid-gild ng terminal upang makapagpahinga o makatulog.

Nananawagan sila kay Manila Mayor Isko Moreno na pasilungin sila sa evacuation centers o ‘di kaya’y sa mga covered court upang hindi sila maulanan o mabilad sa araw. Ang masaklap, wala nang mapaglagyan sa kanila dahil ang mga covered court ay napuno ng mga lumabag sa ordinansa. Kaya kahit na ano pa ang gawin ni Mayor Isko, hindi na puwede silang bigyan ng masisilungan.

Sa ngayon, lalong dumarami ang mga nahawahan ng COVID-19 sa Maynila, dahil sa kawalan ng disiplina ng ilang Manilenyos. Halos namaos na si Mayor Isko sa pana­­nawagan sa mga taga-Maynila na manatili muna sa kani-kanilang mga tahanan at magsuot ng face mask at face shield kapag lalabas ng bahay, pero maraming pasaway kaya lumobo ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Subalit kung matigas talaga ang ulo ng mga ito, hindi naman nila mapapalambot ang kapulisan ni Manila Police District director B/Gen. Leo Francisco. Kaya ang hindi susunod sa health protocol tiyak na swak sila sa loob ng mga basketball court at may kahaharapin pang multa.

Sinusunod lamang ng mga pulis ang utos sa kanila. Kadalasan tuwing mahuhuli, maraming alibi ang mga ito, subalit ngayon hindi na puwede ang palusot, harapin na lamang ninyo ang inyong magiging multa o ‘di kaya’y asunto sa bawat paglabag ninyo sa health protocol.

Kaya sa nangyayaring ‘yan, marami ang napiperwisyo tulad ng mga pasahero sa North Harbor. Kaya sa mga suki ko sa Maynila, sumunod po sa pinaiiral na health protocol upang mabawasan ang pagdami ng COVID-19. Dapat niyong isipin na oras na tamaan kayo ng virus na ito, mahihirapan lalo kayong malunasan dahil puno na halos ang mga ospital at kulang na kulang na ang mga doctor at nurses.

Tandaan! Maiiwasan ang COVID-19 kung magkakaroon ng disiplina sa sarili at susundin ang health protocol.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with