^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kidnap dito, kidnap doon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kidnap dito, kidnap doon

SINASAMANTALA ng mga kidnappers ang pagiging busy ng PNP bilang implementers ng quarantine protocol kaya kidnap dito kidnap doon ang kanilang ginagawa. Sunud-sunod ang kidnapan at noong naka­raang Pebrero nakapagtala ng 23 insidente ng kidnapping at pawang mga Chinese ang sangkot.

Sabi ni Teresita Ang See, founder ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO), nakababahala na ang mga nagaganap na kidnapan sapagkat halos araw-araw ay may natatanggap silang report. Sabi ni See, dati ay dalawa hanggang tatlo lamang ang nata­tanggap nilang kaso ng pangingidnap bawat buwan pero ngayon ay napakarami na.

Nag-aalala si See na magpatuloy ang kidnapping activities sa mga Chinese sapagkat karamihan sa mga biktima ay hindi na inirereport sa pulisya ang pangi­ngidnap matapos bantaan ng mga kidnappers na baba­likan kapag nagsumbong sa mga awtoridad. Gaya raw ng isang kinidnap na negosyante sa Metro Manila na nagbayad ng P3.5 milyon ang pamilya at hindi na inireport sa pulisya ang pangyayari dahil sa takot.

Sabi naman ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG), tatlong kaso lang umano ng kidnapping ng Chinese ang natanggap nila mula Enero at karamihan sa kinidnap ay mga nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operator (POGO). Ayon pa sa AKG, regular silang nakikipag-coordinate sa Chinese Embassy at ipinaaalam ang mga insidente ng kidnapping ng mga Chinese. Marami na umano silang na-rescue na kidnap victim. Noong Marso 2, na-rescue nila ang isang Chinese national sa isang hotel sa Parañaque City. Hindi nahuli ang kumidnap sa Chinese. Napag-alaman na ang biktima ay ipinagbili umano sa dalawang POGO companies. Mga Chinese rin umano ang kumidnap sa biktima.

Tumataas ang bilang ng mga kinikidnap at pawang Chinese ang biktima. Ang nakapagtataka, mga kapwa Chinese rin nila ang mga kidnapper. Nakapagtataka rin na mga nagtatrabaho sa POGO ang target kidnapin. Sinabi ni See na sinasamantala umano ng mga kidnapper ang pagiging abala ng mga alagad ng batas nga­yong may pandemya lalo’t ang PNP ay implementters ng quarantine protocol.

Paigtingin pa ng PNP-AKG ang pagbabantay upang masawata ang kidnapping ng Chinese sa Metro Manila at kalapit probinsiya. Naghahatid na ito ng pa­ngamba at takot na baka lumala pa ang biktimahin na ay mga maykayang Pinoy. Kailangan din naman ang paghihigpit sa mga Chinese na papasok sa bansa na dito pa gumagawa ng krimen. Mula nang mag-operate ang POGOs noong 2017, dumami na ang krimen kabilang ang kidnapping.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with