^

PSN Opinyon

Bawal daw akong tumuntong sa Tingloy, Batangas

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NALAMAN ko na ipi-persona non grata raw ako ni Tingloy, Batangas Mayor Larry Alvarez.

Hindi ko alam kung ano ang kanyang dahilan para pagbawalan akong tumuntong sa Tingloy. Hindi ko naman nabalitaang pag-aari na nilang mag-asawa ang islang iyon sa Batangas.

Ipinagmamalaki raw ni Mayor Larry na “malakas daw sila”. Sa katunayan, wala raw nangyari sa sumbong laban sa kanyang misis na kapitana – sa Social AMELIAra­tion Program nito. Naipa-TULFO nga raw sila pero wa epek dahil nakaupo pa rin sila.

Iisa-isahin ko uli ang mga sumbong laban sa mag-asawang Mayor Larry at Kapitana Amelia Alvarez:

Kasagsagan ng lockdown noong nakaraang taon, nama­hagi ng ayuda ang gobyerno at tinawag na Social Amelioration Program. Ang mga walang kakayanan at lubhang apektado ng pandemya, tatanggap ng cash subsidy mula sa gobyerno.

Itong si Bgy. Captain Amelia Alvarez, binago ang prog­rama ng pamahalaan. Tinawag niyang Social AMELIAration program – lahat daw mabibigyan at walang pipiliin.

Hinati niya ang ayuda para raw makatanggap lahat. Ang galing ano?

Kinumpirma sa akin ni DILG for Barangay Affairs Usec. Martin Dino, bawal ang ginawang ito ni Kapitana.

Disyembre 2020, nagsampa ng pormal na reklamo ang ilang residente ng Tingloy. Malutong na halakhak lamang daw ang sinagot ng mag-asawa dahil hindi sila nakasama sa listahan ng mga sinuspinde at sinibak ng DILG.

Kamakailan, reklamong pananakit at pananampal naman ni Mayor Larry ang ipinaabot sa BITAG. Kapag nalaman niyang hindi mo siya ibinoto noong nakaraang halalan, sampal ang iyong aabutin kapag nagkita kayo sa kalsada.

Ilang beses kitang tinawagan Mayor Larry, pero hindi mo sinagot ang aking tawag. Sinayang mo ang pagkakataon na sagutin ang mga reklamo. Pagkatapos ngayon, daldal ka nang daldal. Nagyayabang ka, pero kumukuyos naman ang bombolyas mo na kausapin ako.

Kung hindi lang pandemya, matagal na kitang pinuntahan sa munisipyo mo dala ang BITAG camera para interbiyuhin ka. Mag-antay-antay ka lang. Mabibilang ka rin sa listahan ng mga mayor na binisita ko ng personal – kung ito ang gusto mo.                                                                                                                                                                                  

vuukle comment

TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with