^

PSN Opinyon

Lead by example

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NASA hot water ngayon si Tacloban Mayor Alfred Romualdez dahil naunang nagpaturok ng COVID-19 vaccine. Nilabag daw ni Mayor ang naitakdang prayoridad na ang mauuna rito ay ang mga medical frontliners at se­nior citizens na most vulnerable mahawa ng sakit.

Sa ilalim ng alituntunin, ang mga executives ng pamahalaan ay nasa kategoryang A4 kaya hindi dapat magpatiuna. Dapat marahil baguhin ang patakaran. Bakit?

Kasi, marami ang natatakot magpabakuna lalo pa’t ang gagamitin ay yaong donasyon ng China na Sinovac. May­roon din akong narinig na isa pang alkaldeng naunang nagpabakuna. Sa isang panayam sa radio, Sabi niya, noong una ay wala kahit sa mga health workers ang gustong magpabakuna dahil sa pangambang may masamang side effects ito.

Pero nang magpabakuna siya at nakita ng taumba­yan na wala itong masamang epekto, marami ang nagsu­nurang magpabakuna. Iyan ang leadership by example. Ginawa ng guinea pig ang sarili para patunayang walang masamang epekto ang bakuna.

Ganyan din ang katuwiran ni Mayor Romualdez kaya naunang magpabakuna. Sabi niya, Hindi natitinag ang supply na bakuna na ipinadala ng pambansang pama­halaan kaya bago ito bawiin ay nagpasya na siyang magpa­bakuna. At sa pagpapatiuna niyang magpabakuna ay ma­rami ang nagsunuran.

Huwag naman kastiguhin ang mga opisyal na ito. Noon ngang bago dumating ang bakuna, sinuguro mismo ni Pangulong Duterte na siya ang unang magpapaturok na hindi nangyari. 

Mauna muna ang mga namumuno ng bansa bago sumunod ang iba pa nating mga kababayan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with