^

PSN Opinyon

Holy Week magandang tsansa sa self-lockdown

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ayaw mang magpatupad ng lockdown ang pamahalaan sa kabila ng pagsirit sa kaso ng COVID-19, ang papasok­ na linggo ay magandang pagkakataon sa ating lahat na manatili na lang sa ating tahanan at huwag nang lumabas.

Mabilis talaga ang panahon. Semana Santa na naman­ next week at may pandemic man o wala, kaugalian na nating mga Pinoy na lumagi lamang sa bahay para ilaan ang mga sandali sa pakikipag-usap sa Diyos. Ibig sabihin, pananalangin pagbabasa at pagbubulay sa Salita ng Diyos.

Ang kaso lang, magiging kakaiba ang Semana Santa sa taong ito dahil ibinabawal ang mga public gatherings. Walang pabasa ng Pasyon at iba pang mga gawaing mangangailangan ng pagtitipon ng maraming tao.

Para rin naman sa ating kapakanan iyan. Hindi lang naman sa loob ng church building puwedeng manalangin kundi kahit sa sarili nating tahanan sa piling ng ating mga kaanak.

Kaya ang magandang gawin, bilhin na nating lahat ang kakailanganin nating pagkain at supply sa tahanan para sa susunod na linggo at nang maiwasan na ang pag­labas-labas. Maski sa maliit mang paraan, makatutulong ito para mapigil ang mabilis na pagkalat ng kinatatakutang virus.

Bukod sa paglalaan sa susunod na linggo bilang panahon ng panalangin, magandang oportunidad din ito sa family bonding para madama ng mga magkakapamilya ang pagmamahalan sa bawat isa.

vuukle comment

COVID-19

LENTEN SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with