^

PSN Opinyon

Walang lockdown sa Metro Manila

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Palagay ko, kung may sapat na pondo ang pamahalaan para masustinahan ang pagbibigay ng ayuda sa taum­bayan, hindi ito mag-aatubiling magpatupad muli ng lock­­down sa buong bansa. Kaso, wala nang “pisi” ang gob­yerno­ at kung patuloy na pinipigil ang galaw ng tao at ne­gosyo, sa kangkungan na tayo pupulutin.

Pinabulaanan ng Malacañang ang kumalat na balita na muling maghihigpit sa buong National Capital Region at magpapatupad ng lockdown dahil sa pagsirit sa kaso ng COVID-19. Tinataya na kung hindi magbabago ang bilis ng pagtaas, aabot na sa 8.5 milyon ang kaso ng karam­­daman pagdating ng Hunyo ng taong ito.

Naunang ibinalita na nagpasya raw ang task force na nangangasiwa sa pag-control ng COVID na magpatupad ng tinatawag na “circuit breaker” lockdown sa loob ng dalawang linggo para mapabagal man lang ang bumi­bilis na pagkalat ng sakit. Ito’y mariing pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Nilinaw ni Roque na ang napagpasyahan ng Inter-Agency Task Force ay ang implementasyon ng mas ma­higpit na health measures na dapat sundin ng tao kung kaila­ngan mang lumabas ng bahay. Kasama na riyan ang pagpapatupad ng curfew mula alas-diyes ng gabi hanggang alas singko ng umaga at ang mga regulasyong dati nang ipinatutupad: face mask, face shield at social distancing.

Sa nakikita natin, hindi sapat ang ipinatutupad na health protocols. Mahalaga pa rin na maisulong nang husto ang pagbabakuna na hanggang ngayon ay hindi pa maisagawa nang puspusan.

Totoo na kahit sa dalawang linggong lockdown, mahihirapan na ang pamahalaan kung papaano pakakainin ang milyun-milyong mamamayan na hindi makakapaghanapbuhay. Kaso, hanggang kailan tayo maghihintay sa pagdating ng epektibong vaccines para mabakunahan na kahit man lang kalahati ng mahigit 100 milyong populasyon ng bansa?

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with