^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kahalagahan ng body cams

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Kahalagahan ng body cams

Napakahalaga ng body cameras ngayong pa­nahon para ma-capture ang mga totoong nangyari. Hindi magsisinungaling ang camera. Ito ang matibay na ebidensiya. Kung may body cameras ang mga pulis na nagsilbi ng warrants sa siyam na aktibistang napatay sa Calabarzon noong Marso 7, wala na sanang diskusyon dahil meron nang ebidensiya.

Ayon sa mga pulis habang isinisilbi nila ang warrants sa mga aktibista, lumaban ang mga ito kaya nagkaroon ng enkuwentro. Sabi naman ng mga kaanak ng aktibistang napatay, hindi nanlaban ang mga biktima kundi pinagbabaril ng mga pulis. Ayon pa sa mga ito, biglang pumasok sa bahay ang mga pulis at sapilitang kinuha ang mga aktibista. Iginiit ng mga pulis na lehitimo ang kanilang operasyon.

Sino ang nagsasabi ng totoo? Mahirap magbigay ng konklusyon sapagkat bawat isa ay nagsasa­bing sila ang tama. Wala naman silang ebidensiya.

Ang tanging solusyon ay ang pagkakaroon ng body cameras na makakapagrekord ng mga nangyari. At nararapat na magkaroon nito ang mga pulis na magsisilbi ng warrants.

Sinabi ni Evalyn Ursua, isa sa mga abogado ng 37 Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA) petitions at humi­ling sa Supreme Court na magkaroon ng body cameras ang mga magsisilbi ng warrants upang maiwasan ang mga akusasyon na “nanlaban” o extrajudicial killings. Ayon kay Ursua, maiiwasan ang mga hindi kapani-paniwalang kuwento kung mayroong body cameras. Kung may body cams, hindi na magre-rely lamang sa testimonya ng law enforcers sapagkat mayroon nang ebidensiya.

Sabi ng Supreme Court, kinukunsidera nila ang body cameras sa pagsisilbi ng warrants. Isang reso­lusyon umano ang ida-draft para rito at malamang na mapagbigyan ang kahilingan.

Hindi lamang sa pagsisilbi ng warrants mahalaga ang body cameras kundi pati sa drug operations­ ng mga pulis. Nakapagtataka lang kung bakit hang­gang ngayon, wala pa ring body cameras ang mga pulis. Nakapagtataka rin kung bakit nananatiling­ naka­pending ang Body Camera Act na inakda noong 2018 makaraang brutal na patayin ng mga pulis-Caloocan ang 17-anyos na si Kian delos Santos noong 2017. Binaril ng mga pulis si Kian kahit nagmamakaawa. Nahatulan ng habambuhay na pag­kabilanggo ang mga pulis na killer.

Mahalaga ang body cameras sapagkat ito ang magpapatunay ng mga totoong nangyari. Nara­rapat nang maipatupad ito.

vuukle comment

BODY CAMERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with