^

PSN Opinyon

Nasaan ang bakuna?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Tanong ni Sen. Panfilo Lacson kay vaccine czar Carlito Galvez, nasaan ang mga bakuna. Sa ngayon, nagkaka­ubusan na ng SinoVac at AstraZeneca sa Metro Manila para sa health workers. Kaya sumisigaw si DOH Sec. Francisco Duque na ibalik ang mga bakuna na ipinadala sa mga lalawigan dahil kapos na ang mga taga-Metro Manila.

Kasi noong iilan lamang ang nagkakainteres na magpabakuna ng Sinovac dahil gawa ito ng China, subalit ngayon ay umiba ang ihip ng hangin at ang halos lahat ay gusto nang magpaturok nito. Dala marahil sa patuloy na paglobo ng mga nahahawahan ng COVID-19 ngayon na halos hindi na bumababa sa 5,000 katao ang nagkakaroon ng sakit. Kayat sa takot na lalo pang dumami ang mahahawahan sa health workers nais na nilang maturukan upang magkaroon ng extra na proteksyon sa virus.

Habang lumulobo ang nahahawahan ng COVID, naa­antala naman ang mga bakunang binili natin sa mga may kalidad na pharmaceutical companies. Kaya sumisigaw si Lacson kung nasaan na ang bakuna. Sa totoo lang, walang korapsyong nagaganap sa pagbili ng mga bakuna dahil direktang binabayad ito sa World Bank, Asian Development Bank at pharmaceutical companies at hindi sumasayad sa kamay ni Galvez ang pera.

Ang masaklap, hanggang ngayon ay wala pa ang mga bakunang magliligtas sa mga Pilipino. Kaya habang wala pa ang mga bakuna, tayo-tayo na mismo ang mag-ingat upang makaiwas sa hawahan. Sundin lang ang health protocol. Iwasang maglamyerda kung hindi lang naman importante ang lakad upang hindi mahawa. At kung hindi naman maiwasang lumabas, magsuot ng face mask at face shield. Pagdating sa bahay, maglinis o maligo muna bago humarap sa pamilya.

Siguraduhin din na nasa loob na tayo ng mga bahay tuwing sasapit ang 10:00 ng gabi na tinakdang curfew. Sa pag-aaral ng OCTA Research Institute, makakaiwas sa pagkahawa kung susundin ang curfew. Sa ngayon, pinag-aaralan na naman at maaaring sa mga susunod na araw ay ipatupad naman ang “circuit breaker” para makontrol ang hawahan katulad ng pinaiiral sa ibang bansa.

Kung nabuburyong na sa ipinatutupad na lockdown sa inyong bara-barangay, pagtiisan na lang dahil ang COVID ay walang pinipili maging bata may edad na. Lahat ay maaring mahawa kung magiging matigas ang ulo sa mga ipinatutupad na health protocol. Sumunod na lang para hindi mahawa.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with