^

PSN Opinyon

Sakit sa puso, hypertension, at diabetes…hindi COVID-19!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakamamatay ang COVID-19 virus pero hindi raw ito ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya.

Ang numero uno raw dahilan – mga sakit at karamdaman sa puso. Last year, halos 100,000 ang namatay dahil sa heart diseases.

Ikalawa ay neoplasms o tumors; ikatlo ay mga sakit-sakit sa ugat o cerebrovascular diseases; ikaapat ay diabetes; Ikalima ay pneumonia; ikaanim ay hypertension; at ika-pito lamang ang COVID-19.

Isa sa mga maituturing na dahilan, dahil nasa loob lamang­ ng mga pamamahay ang mga tao, limitado ang kilos at galaw, panay kain, bumibigat ang timbang, hindi naliligo, walang exercise – nag-iimbak ng masasamang elemento sa katawan.

Sabayan mo pa ng hindi nakakapag-pakunsulta ng personal ang ilan sa mga doktor dahil sa banta ng virus sa labas. Mabuti nga’t may tinatawag ng tele-konsulta, nakakatulong kaysa naman sa wala.

Kapag mahina ang immune system mo, wala kang panlaban. Hindi malabong makasama sa istastika hindi man ngayon, pero susunod na. Kwidaw, matanda man o millen­nial, hagip ng mga sakit na ito. Huwag sasabihin na bata pa dahil kapag nagpabaya sa kalusugan, walang sinasanto ang mga sakit na ito.

Sa mga ganitong sitwasyon, makakatulong ang Kings Herbal ng herbalist na si Ka Rey Herrera at ng REH Herbal Manufacturing Inc.

Para palakasin ang katawan, ang immune system na lalaban sa mga karamdamang nabanggit, subok na ang Kings Herbal.

Paalala, ang Kings Herbal ay hindi gamot. Herbal supplement lamang ito na makakatulong para masigurong maganda at maayos ang kalusugan.

Maraming nang may karamdaman katulad ng mga nabanggit ko sa kolum na ito na sumubok ng Kings Herbal na bumuti ang pakiramdam at naibsan ang paghihirap dala ng kanilang sakit.

Sa kasalukuyan, kilala ang Kings Herbal dahil sa pait ng lasa nito kung saan naroon ang bisa. May bagong handog ang REH Herbal Manufacturing Inc para sa mga sopistikado’t hindi kaya ang pait ng lasa.

Karagdagang produkto, pareho ng lakas at bisa, magkakaiba lamang sa lasa. Abangan yan!

Paalala ng BITAG at ng Kings Herbal, maraming namatay sa Pinas hindi dahil sa coronavirus subalit hindi ito dahilan para maging kampante at burara ang publiko.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with