^

PSN Opinyon

Pambu-bully, pambobola ng komunistang Beijing

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nagsisisi na ang malalaking bansa. Maraming dekada­ sila nagbulag-bulagan sa totoong pakay ng Chinese Com­­munist Party. Pinaniwalaan ng Kanluran ang propa­ganda na nais lang ng CCP ng mapayapang pag-unlad. Hina­yaan nila ang pagnanakaw ng Chinese state firms ng tek­nolohiya, kaalaman sa gamot, at saliksik sa mga pa­mantasan ng Kanluran. Nagkibit-balikat lang sila nang bilhin ng mga kumpanyang komunista ang siyam sa sasampung nagpo-proseso ng rare earth metals sa mundo. Kinontrata pa nila ang mga kumpanyang ‘yon para sa riles, pantalan, airports, at telecoms. Ngayon ay nag-ees­piya sa Kanluran ang mga kumpanyang ‘yon. Nakalamang na ang China sa teknolohiya at medisina. Kapos na sa rare metals ang Kanluran.

Isa pang ipinagsisisi ng Kanluran ang paglakas ng militar ng CCP. Binale-wala nila na private army ng komu­­nista ang People’s Liberation Army na nasa ilalim ng CCP-Central Military Commission. Huli na nang mabatid ng America, Britain, France, Germany, at Canada na ilegal­ ang pag-angkin ng Beijing ng mga dagat at bahura. Kes­yo­­ mga maliliit na bato lang daw ang Senkaku Isles ng Japan; Paracel Islands ng Vietnam; Second Thomas Shoal ng Malaysia; at Scarborough, Fiery Cross, Subi, Mischief, Hughes, Johnson South, Gaven, at Cuarteron­ Reefs ng Pilipinas. Ngayon island-fortresses na ng Bejing­ ang pito sa walong bahura ng Pilipinas; at hindi na ma­paalis sa East at South China Seas ang mga barkong pandigma ng PLA-Navy.

Dalawa ang matinding sandata ng CCP ayon kina dating chairman Mao Zedong at kasalukuyang Xi Jinping. Ito ang militar at propaganda. Sinusuportahan ng PLA-Navy­­ ang pagnanakaw ng isda at minerals sa South China Sea, Pacific, at Atlantic Oceans. Samantala nambobola ang mga embassies ng Beijing na tumutulong lang sila sa mga ibang bansa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

CCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with