^

PSN Opinyon

Aanhin pa ang damo

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Sina PNP chief General Debold Sinas at Presidential Spokes­man Sec. Harry Roque ang dalawa sa pinakahuling high profile personality na nahawa ng COVID-19. Mapapaisip ka tuloy kung ganoon ba talaga kagrabe ang tama ng virus na maging ang mga maingat nating pinuno ang tinatamaan. Kailangan nating maniwala na ganito ang katotohanan dahil ang alternatibo ay nakakapanghina – hindi mabuting halimbawa kung naging pabaya sila sa kanilang kaligtasan.

Napakarami na namang nahahawa sa ngayon. Matagal nang nalampasan ang pinakamalalang rekord noong 2020 at siguradong madodoble pa ito sa mga darating na linggo. Mag-aalala na ba tayo ulit?

Kabit-kabit ang dahilan kung bakit nangyayari ang ganitong pagrampa ng resulta. Siyempre, may kinalaman ang pagsulpot ng iba’t ibang bagong variant ng sakit na higit na nakakahawa sa orihinal na galing sa Wuhan. Nandiyan din ang ating pagpapabaya sa pagsunod sa health protocols gaya ng simpleng paggamit ng mask at face shield, paghu­hugas ng kamay at pagdistansiya.

Ang solusyon ay tuhog-tuhog din. Ang mas episyenteng tugon ng pamahalaan tulad ng ayudang nasa oras ang dating, ang pagpasigla ng ekonomiya upang mas gana­han ang mga taong mapabuti ang kalagayan at, higit sa lahat, ang mabilisang pagbakuna na pinakamabisang kalasag laban sa virus.

Napupuno ang ating mga ospital. Ayon sa mga eksperto, mas sanay at natuto na ang health system natin kung kaya hindi lumalala nang husto ang tama ng mga nagkakasakit hambing sa nakalipas na taon. Kung totoo man, wala rin itong katuturan kapag umagos na ang bilang ng pasyente at hindi naman nadaragdagan ang health workers o ang ospital at hospital beds.

Lahat ng mga bansang may mabilis na programa sa bakuna ay nakakaranas ng pagbaba ng impeksiyon. Maari nating malampasan ang hamon ng susunod na mga buwan kung tayo’y mag-iingat o kung titiisin natin ang panibagong lockdown. Subalit kritikal na mabakunahan ang taumba­yan­ sa lalong madaling panahon upang lalong lumakas ang ating depensa at tsansa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with