^

PSN Opinyon

Manatili sa tahanan para ‘di magka-virus

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGAGANAP na ang kinatatakutan ng sambayanan na paglobo ng mga tinatamaan ng COVID-19. Hindi lamang yan mga suki, dahil may mga bagong variant pang kuma­­kalat sa ngayon. Kaya marami nang mga lungsod sa Metro Manila ang inilagay sa hard community lockdown dahil halos napupuno na ang mga hospital.

Subalit ang nakakatawa, kampanteng-kampante lamang si Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque III. Lahat daw ng kaparaanan naman ay ginagawa nila upang mapigilan ang paglobo ng COVID, hehehe! Kung sabagay maiiwasan naman ang pagkalat ng virus kung ang sambayanan mismo ang magdidisiplina ng kani­lang sarili.

Ito’y sa pamamagitan ng pagpanatili sa mga tahanan kung hindi naman importante ang lakad at kailangan ding rendahan ang mga kabataan dahil isa rin itong tinitingnan ng mga dalubhasa sa medisina.

Kaya mga suki, ang aking paalala sa inyo, manatili sa ating mga tahanan para ‘di mahawa ng virus. Kung lalabas naman para maghanap ng makakain, laging mag­suot ng face mask at face shield. Mahalaga ang mga ito para hindi makalanghap ng virus sa kausap o sa mga naka­ka­halubilo.

Bagama’t umarangkada na kahapon ang uniform curfew mula 10:00 p.m. to 5:00 a.m. dapat lamang na sundin ito nang makaiwas sa multa o makasuhan dahil sa paglabag sa health protocol. Kung kailan kasi nagdatingan na ang halos isang milyong doses ng bakuna (Sinovac at AstraZeneca) saka naman lumobo ang kaso ng COVID-19.

Hindi na biro ang 5,000 bagong kaso ng COVID-19 at kung magiging matigas ang ating mga ulo tiyak na ha­han­tong ito sa 20,000 kaso kada araw at siguradong mag-uuma­paw na ang mga ospital at isolation facilities. Kakapusin na tayo ng mga doctor at nurses na mag-aasikaso sa mga pasyente.

Kaya para makaiwas sa COVID, sumunod sa health protocol ng Inter-Agency Task Force. Ito na lamang ang sulusyon sa kinakatakutang pandemya. Tandaan na ang kaligtasan ng ating buong pamilya ay nakasalalay mismo sa ating sarili habang hinihintay ang bakuna na binili sa pamamagitan ng utang sa World Bank at Asian Development Bank. Hindi naman kuno mahahawakan ni vaccine czar Carlito Galvez ang datung dahil derekta ito sa mga pharmaceutical na binilhan ng bakuna.

Ang masaklap nito mukhang urong-sulong pa ang pagdating ng bakuna sa kadahilanan na maraming proseso ang hinihingi ng mayayamang pharmaceutical sa ating pamahalaan. Mukhang tira-tira lang ang maibabahagi sa atin dahil kabilang tayo sa mahirap na bansa. Get n’yo mga suki!

Kaya tiis-tiis lang muna. Kapag dumating na ang mga bakuna, lahat nang nakalista sa barangay ay mababakunahan. Walang pulitika rito, dahil siguradong mananagot sila kay Pres. Rodrigo Duterte. Iyan ang aabangan natin mga suki.

vuukle comment

COVID-19

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with