^

PSN Opinyon

Gumawa na tayo ng sariling bakuna

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa Indonesia, sinimulan na ang pagtuklas ng nasa­bing bansa ng sariling bakuna laban sa COVID-19. Tingin ko, ito ang pinakalohikal na paraan para hindi tayo umaasa na lang sa mga bakunang aangkatin pa sa ibang bansa.

Sa nakalipas na maraming buwan simula nang manalasa sa buong daigdig ang pandemia ng COVID-19, wala tayong nabalitaang aksyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health para makagawa tayo ng sariling bakuna.

Sabi nga ni Sen. Bong Go, napapanahon na para simula ang pagtuklas ng sarili nating vaccine. Tugon ko naman, matagal na. Dapat nung unang araw pa lang ng pandemya ay pinag-ukulan na ng pansin ito ng pamahalaan.

Ngayon, sinasabi nila na tumataas muli ang kaso ng COVID pero nangungulelat pa rin tayo sa ating vaccination drive.

Natuon masyado sa pagpapatupad ng health safety protocols ang aksyon ng pamahalaan sa halip na humanap ng mga gamot at pangontra sa naturang sakit. Ang mga hakbang na ginawa ay natuon sa mga lockdown at pagsasara ng mga tanggapan, pati paaralan.

Bagama’t may mga pribadong medical practitioners na nag-alok ng gamot laban sa COVID, hindi sila binigyang pansin ng pamahalaan at ang inuna ay pakikipagtran-saksyon sa ibang bansa para tayo ay suplayan ng kanilang bakuna. Kaya, tama si Go. Huli man at magaling, umpi-sahan na ang development ng sarili nating vaccine.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with