^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Face masks nasa pusod na ng dagat

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Face masks nasa pusod na ng dagat

Ang mga itinatapong single-use face masks ay humantong na sa dagat at sumisira ng likas na yaman. Kahit na madalas ang paalala sa mamama­yan na itapon nang maayos ang face masks, face shield at iba pang personal protective equipment (PPE) laban sa COVID-19, marami pa ring iresponsable sa pagtatapon ng mga ito. Ngayon nga, hindi lamang sa kalye makikita ang ginamit na face masks kundi pati na rin sa ilalim ng dagat.

Kung hindi magkakaroon ng disiplina ang mga tao sa pagtatapon ng ginamit na face masks, maaaring­ sa mga susunod na panahon ay santambak na ba­sura ang makokolekta sa karagatan. At malaking banta ang mga basurang ito sa pagkasira ng kapaligiran. Bukod pa rito, maaaring mamatay ang mga lamandagat gaya ng balyena kapag kinain ang face masks na tinapon sa dagat. Babara ang mga ito sa bituka ng mga balyena at iba pang nabubuhay sa dagat.

Sa report ng British Broadcasting Network (BBC) nagulat ang divers nang makakuha ng face masks sa coral reef ng Anilao, Batangas. Mga asul na face masks ang naiahon ng divers.

Paboritong dive spot ang Anilao coral reef at hindi akalain ng mga professional divers na ang magandang tanawin sa ilalim ng dagat ay mapapalitan ng mga nakakasulasok na basura na ginamit sa panahon ng pandemya.

Bukod sa face masks nakakuha rin ang grupo ng diver ng iba pang plastic na basura na kinabi­bilangan ng face shield, plastic bottles, tarpaulin at mga sako. Nakakalat ang mga nabanggit sa mismong dive spot.

Hindi lamang sa Anilao coral reef may mga itina­pong face masks at face shield. Noong nakaraang taon, nakita rin sa dagat na malapit sa Baseco ang mga face masks na lulutang-lutang. Bukod sa face masks, may nakita ring face shield at mga guwantes.

Noong nakaraang taon din nakita ang mga itinapong used test kits para sa COVID sa isang kalye sa Sampaloc, Maynila. Nagkalat sa kalsada ang mga test kits na ikinarga ng isang magbabasura sa kanyang traysikad. Ayon sa magbabasura, napulot lang niya ang black bag.

Maging responsable sa pagtatapon ng mga basura lalo na ngayong may pandemya. Huwag tapon nang tapon sapagkat maaring kumalat ang sakit. Kapag humantong sa dagat, apektado ang kapaligiran at pati ang mga lamandagat. Isaayos ang pagtatapon ng mga basura para walang maperwisyo. Maging disiplinado sana ang mamamayan sa pagkakataong ito lalo pa nga ngayong may pandemya.

vuukle comment

COVID-19

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with