^

PSN Opinyon

Kahit wala pang batas, P10-k ayuda larga na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Bakit tinutulugan yata sa House of Representative ang bill na naglalayong bigyan ng Php 10-k ang bawat pamilyang Pilipino na apektado ng COVID 19 pandemic? Huwag naman sanang political reasons ang dahilan nito dahil nangangailangan ng tulong ang maraming kababayang Pilipino.

Tuloy, ang mga main authors ng panukalang batas ay nag-ambag-ambag na sa tulong ng ibang private sektor para maibigay na ang ayuda lalo pa’t namimingit na namang magpatupad ng mahigpit na quarantine protocols sa pagtaas muli ng kaso ng COVID-19. Sila ang mga Solons na nagsusulong ng Balik sa Tamang Serbisyo.

Saluduhan natin ang mga Solons na dumukot sa sariling bulsa para matulungan ang mga kababayan natin. Ang mga may umakda ng P10k ayuda bill ay pinangu­ngunahan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Batangas Cong. Raneo Abu, Camarines Sur Cong. LRay Villafuerte, Bulacan Cong. Jonathan Sy-Alvarado, Taguig Congw. Lani Cayetano, Laguna Cong. Danilo Fernandez at Anakalusugan Partylist Cong. Mike Defensor.

Layon ng P10k ayuda bill na mabigyan ng P1,500 ang bawat miyembro ng pamilya o P10K sa bawat pamilya alin man ang mas mataas mula sa unutilized funds ng Baya­nihan 2 at 2021 National Budget. Tatlumpung pamilya na ang nabigyan ng P10k ayuda sa ngayon. 10 mula sa Quezon City at tig-10 pamilya pa mula sa Imus at Kawit sa Cavite. Umaapaw sa pasasalamat ang mga residente na nabigyan ng tulong lalo pa ang iba sa kanila ay nawalan ng hanapbuhay at ang iba naman ay dinapuan ng sakit.

Halimbawa,  naiyak si Mrs. Virginia Demerin ng Brgy. Toro sa Quezon City sa P10k ayuda na tinanggap mula sa grupo ni dating Speaker Alan Peter Cayetano. Diabetic si Nanay Virginia at naputulan ito ng paa dahil sa kanyang sakit. Ayon kay Nanay Virginia, isang malaking biyaya ang kanyang natanggap dahil wala na siyang natatakbuhan para hingan ng tulong.

Kawawang mga Solons. Hanggang kailan sila magaabono? Kamarabde Representate, GISIIING!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with