^

PSN Opinyon

Bakuna-unahan

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Super bilis ang rollout ng bakuna sa ibang bansa. Sa Israel halimbawa, halos 96% na ng populasyon ang nakakuha na ng at least isang turok ng Pfizer vaccine. Sa taas ng kanilang vaccine coverage, nagdesisyon pa nga ang pamahalaan na buksan na ang ekonomiya lalo na ang mga restaurant at bars sa mga may hawak ng vaccine pass o passport na nagpapatunay na nabakunahan na.

Sa United Kingdom, panlima sa mundo sa bilis ng vaccination program, 34.9% na ang nabakunahan. Sila rin ang bansang nagpasya na umpisahan ang malawakang pagbukas ng klase sa lahat ng antas. Tanda rin ito ng pagbalik sa normalidad na inaasam sa lahat ng parte ng mundo.

Kapag ihambing sa ating kalagayan, talaga namang mahirap masaksihan ang ganoong katagumpay na programa. Ni wala pa ngang bakuna sa atin na galing sa kinontratang aangkatin. Pawang donasyon pa lamang ang dumarating. At ang bilang na ito ay pang ceremonial pa lang talaga - pangilan-ngilan sa bawat ospital para sa ating mga health worker frontliners at mayroon ding inilaan para sa mga kapulisan.

Ganoon din naman ang karanasan ng ibang katulad nating developing country. Natural lamang na maunahan tayo ng mga malalaki at mayayamang bansa na silang mga gumastos at sumegundo sa paggawa ng mga bakuna.

Hindi rin naman garantiya na komo mayaman kang bansa ay nakauna ka na rin. Ang mga higante at world leader tulad ng Germany at Japan ay halos mag-uum­pisa pa rin lamang. Ano man ang dahilan ng kanilang delay, at least nakikita natin na hindi tayo nag-iisa. Nag­pa­pakatotoo man tayo at tinatanggap ang mapait na katotohanan na hindi pa natin kaya makipagsabayan sa iba, hindi rin naman tayo napapagiwanan ng napakalayo.

Ang mahalaga ay hindi tayo sumusuko. Ano mang lebel ang ating kakayanan, abutin lang natin yon ay boundary na tayo. Ang malungkot kasi ay kung mababa na nga ang target at pagkatapos ay hindi pa natin kayanin. Wala na talaga tayong masisi sa ganun kung di ang sarili nating kakulangan.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with