^

PSN Opinyon

Hate crime sa US, ano ba talagang dahilan?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas sa US ang mga Pilipino dahil sa lumalalang “hate crime” doon.

Ang hate crime ay matinding form of discrimination. Buwisit ka sa kulay, sexual orientation, religious affiliation, social status at maging lahi ng isang tao.

Ang nakakatawa, isinisisi nila ang paglaganap ng hate crime kay dating US President Donald Trump at dahil sa kanyang pagtawag ng Chinese virus.

Hindi ako naniniwala rito dahil panahon pa ng kopong-kopong, nandiyan na ang hate crime. Mula dekada sisenta, taun-taon, tumataas ang istatistika ng hate crimes.

Hindi lang napapansin dahil wala pang Facebook, wala pang YouTube at mga cell phone na de camera na magrerekord ng anumang panlalait at galit noong mga panahong iyon.

Kung titingnan, hindi lang sa bansa ni Uncle Sam nagaganap ang hate crime. Kahit saang panig ng mundo, meron niyan.

Kaya lang ngayon napapansin ang bilang ng krimeng ito ay dahil sa mabilis na pagkalat nito sa social media.

Andiyan ang Facebook at YouTube na simple lamang ang pag-a-upload ng mga videos ng kanilang nakukunang eksena.

Napakadali para sa isang tao ngayon ang magdokumento ng kaganapan sa kanyang paligid at pagkatapos ay upload agad sa social media. Kumbaga mabilis ang exposure.

Kaya nga’t nakakabahala ang sinasabing “defunding” sa mga law enforcers sa US. Asahang tataas pa ang bilang ng krimeng ito.

Ang pinupunto kasi ng marami roon, tumaas daw ang statistika ng hate crimes simula ng administrasyon ni Trump. Mali! Obvious naman na kinakasangkapan na ang isyung ito sa pulitika.

vuukle comment

DONALD TRUMP

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with